Yayaman ka ba sa Crypto?

Sa dami ng success stories sa crypto o cryptocurrencies na sinakyan at pinahype ng mga MLM o mga scammaz, yayaman ka ba talaga dito? Sa umpisa mahirap unawain ang cryptocurrencies at ang teknolohiya (blockchain) sa likod nito, napakakumplikado sirs, pero bago ka bumili ng kahit na anong may kinalaman sa crypto mas mabuting malaman mo kung ano ba talaga ang papasukin mo. Baka mamaya sinabihan kang *hold* lang priiiii aangat din yaaaan tas sh*tcoins naman pala.

Top crypto currencies: BTC. ETH, XRP
  • Ano ba ang BlockChain?
  • Ano naman ang CryptoCurrencies?
  • Paano magsunog at magubos ng pera sa Crypto?
  • Paano yumaman sa Crypto?
  • Legal ba ito?

Ano ba ang BlockChain?

ELI5 tayo dito mga mamser, medyo mahirap yung nasa wikipedia, siguro nasubukan mo ng bumili gamit yung debit o credit card online sa kahit anong shop. Yung pag bili mo ay isang `transakyon` dadaan yan sa bangko mo papunta sa payment processor gaya Visa at Mastercard tapos papunta sa channel (kung may 3rd party payment processor pa yung shop) o bangko ng shop bago makuha ng shop yung bayad mo. Sa dami ng pinagdadaanan ng pera minsan ay matagal o malaki ang fees na nababawas pero sure at safe naman dahil mga bangko ang nagproseso ng transakyon. Ganyan din ang intensyon ng blockchain pero peer-to-peer ang transakyon, kung ikaw ay bibili ng saging rekta na sa tindera yung bayad di na dadaan sa bangko. Paano nangyayari yon sirs? Gumagamit ang blockchain ng distributed networks, isipin mo na lang muna ito na maraming tao sa mundo lahat kayo may kopya ng mga transaksyon, listahan kung baga kung sino bumili, nagbenta, at magkano, tapos magpapakitaan kayo ng listahan kada ilang minuto para lahat ay updated at sure na walang peke. Lahat ng yan nangyayari ng automatic at walang human interaksyon, bali nag sosolve lang talaga yung computer (mining) ng mga problems na encrypted o naka hash para computer lang ang makakabasa kaya safe na safe. Kapag bibili ka gamit ang blockhain yung transakyon ay papasok sa maraming computer sa buong mundo, doon na ang proseso at validation kung legit ba yung transakyon, tas papunta sa shop na binilan mo, walang middleman o centralized na institusyon na nagproseso.

Blockchain: Network ng computer na nag-iimbak ng impormasyon

Ano naman ang CryptoCurrencies?

Bitcoin, Ethereum, Litecoin, Smooth Love Potion (SLP) ilan lang yan mga mamser sa mga cryptocurrencies sikat na sikat ngayon. Virtual na pera ito, di nahahawakan, di gaya ng pera natin Philippine Peso (PHP) na nakaprint at nahahawakan. Kung ang bangko sentral nagprint lang may pera na paano naman sa Crypto? Diba sa blockchain ang `mining’ ay ang paggamit ng computer para mag solve ng problems, pag na solve na yung problem dun ka magkakaroon ng coins. Reward ng network sayo, sa paggamit ng computer mo, sa pag solve o pagproseso ng mga transaksyon sa network na yung coins. Paano naman yung value bakit ang taas ngayon tapos bukas ang baba, gaya ng normal na pera o yung mga FIAT currencies na ang backer ay mga central banks (sample yung piso ng pinas) nagbabago din ang value ng cryptocurrencies, maraming dahilan bakit nagbabago ang halaga ng isang bagay, yup di lang pera pati ginto o mamahaling bato, pero madalas sa supply at demand. Nagkakavalue naman ang cryptocurrency dahil kaya nitong mag-hold ng “value“, pangalawa nagagamit mo ito pangpalit ng produkto o serbisyo, at pangatlo secured at limitado. In short, pag nagmine (mina ng crypto) magkakaroon ng coins, yung coins nag kakavalue depende kung sino at gaano karami ang may gusto.

Paano magsunog at magubos ng pera sa Crypto?

Alam kong hindi ito ang pinunta mo dito pero basahin mo muna ito bago ka magpayaman sa crypto. May nagsabi na ba sayo na wag ka ng magcrypto sobrang volatile (grabe kung mag bago ng value) nyan or di kaya ay maginvest ka na dito tooodaaaamooonnn itoooo *insert hype na boses*. Tandaan mo na hindi instant na yaman ang makukuha mo sa crypto, yup hindi instant hindi biglaan at hindi overnight. Dahil sa nakapa-volatile ng crypto kailangan ng matinding research kaibigan. Kung hindi ka pa maalam sa stocks o forex na maihahalintulad sa crypto wag ka munang pumasok kahit anong hype pa yan.Tignan mo ang mga red flags na ito, pag nakita mo instant `NO` agad:

  • Invest ka, kami mag hahawak ng crypto, dodoble pera mo sa isang buwan. Galawang scammaz ito sirs, wag ka mag iinvest ng walang kang pinanghahawakan na kahit na ano, kahit sabihin pa nilang may yumaman na (malamang sila lang din yon).
  • TO THE MOON, 3 salita na di dapat paniwalaan mas lalo na kung ang magsasabi ay walang kaalam alam sa crypto, hanapin mo yung substance o kung para saan ba yung coin pag wala kahit roadmap na maipakita for next 1 or 2 years, gg na yan sirs alis ka na dyan. Madalas puro memecoins at sh*tcoins lang ito.
  • Wala yung coin sa list ng Major Exchanges gaya ng coinbase o binance, napaksimpleng check lang nito punta ka lang sa website nila at i-search yung coin pag hindi lumabas wag ka munang mag invest, hindi ibig sabihin nito na hindi legit ahh pero mas mataas ang chance na di scam kasi bago sila mag list inaaral muna nila kung scam o ginagamit sa illegal yung coin.
  • Walang website, walang whitepaper, walang kahit na ano. Meron mang website sira sira o may mali maling spelling, grammar, at iba na hindi mukhang propesyonal ang may gawa. Basta hindi ma search sa google, tas social media post mo lang nakita na may pa hype, ekis na agad ito sirs.
  • Hype Groups wag na wag kang sasali dito dahil ang totoo ipit group ito, ang gagawin nila ay bibili muna ng mura tas magpapahype ng crypto tsaka mag-exit sila pagtumaas tapos iwan ka sa taas, cancer ito sirs kaya wag na sumali.

Kulay pula na yan ahh para iwasan kung hindi mauubos pera mo dyan mamser, sunog na sunog.

Crypto risks, loss and profit.
Hindi sure win ang Crypto, may risk ito kaya alamin muna ang risk appetite mo bago pumasok.

Paano yumaman sa Crypto?

Sige game na, paano ka ba yayaman dito? Maraming paraan ang pagyaman sa Cryptocurrencies pero dun muna tayo sa basic, isipin mo muna parang stock o pera mismo para mas madali. Sample sirs, bumili ka ng 100 dollars ngayon sa halagang 48 edi naglabas ka ng 4.8k na puhunan tas kinabukasan 50 na isang dollar binenta mo edi 5k na agad ez moneh kita ka na agad ng 200php (eaziest moneh op my layp) ganun lang din sa crypto.

  • Buy and Sell crypto: tandaan lang ang `buy low sell high` hindi `buy high sell low` need lang talaga ng research di lang sa crypto pati global economy, yes yes sirs, oo pati kung ano nangyayari sa buong mundo. Tandaan mo mamser, hindi lang pinas ang gumagamit nito kung hindi buong mundo. Register ka lang sirs sa Binance, CoinsPH, Coinbase o ano pa mang major exchanges para sa cryptocurrencies. (Gagawa ako ng separate na blog post para dito)
  • Play to Earn: yesss sirsss maglalaro ka lang kikita ka na, sample yung axie infinity o Gods Unchained. Itong mga laro na ito ay may in-game currencies na madalas eh mga crypto din o di kaya ay may mga NFTs (Non-fungible token) na pwede mong makuha. Pag nakakuha ka ng mga coins or NFTs pwede naman itong ibenta sa mga exchanges. Pumapasok pa din dito yung supply at demand gaya nung sample kanina sa dollar, ingat lang dito kapag nasa hype pa yung laro at may entrance fee bago mag laro dahil baka malaki ang bili o nagastos mo kesa sa mabebenta mo.
  • Create NFT artworks: pwede din namang mag buy and sell nito, ano ba yung NFT? Ito ay unique na digital asset, sample may digital artwork ka tas iyon i-mimint mo sa blockchain sample gamit ang Ethereum (gagawa pa ako separate post dito para ma-explain)  after non magiging unique na ito one of a kind sa buong mundo.
  • Mining: napakamahal ng puhunan need mo ng GPU at sa global shortage ng chips ngayon baka ROI mo pag 2-3 years na bullish ang crypto. Pero legit naman ito cons nga lang eh mataas cost.

Marami pang pwedeng pagkakitaan sa crypto, sample gawa ka blog o vlog about cryptocurrencies o cash in/cash out pero sarili mong exchange rate (yung patas). Ingat ingat lang mga mamser, dahil walang nakakaalam ng bukas, maaring ngayon bullish yan laging pataas pero isang minuto lang bagsak sa kangkungan. Mag invest lang dito ng pera na kayang masunog wag mag sangla at ipasok ang pambayad ng kuryente.

Kung mayaman ka naaaa…. baka naman … send tip here. tenchuuu <3

Legal ba ito?

Yes mamser legal na legal ang crypto PERO kung paano mo gagamitin yan ang dapat tignan. Dahil bago pa lang ang crypto at napakadaming posibilidad na pwedeng gamitin sa totoo lang hindi pa nakakahabol ang mga regulations o mga batas, di lang ng Pilipinas pati ibang bansa. Di ba sa crypto o blockchain walang middleman at puro computer lang ang mag proseso, paano pag gusto ko mag money laundering o mag linis ng illegal na pera ez as pie sa crypto dahil napaka secured ng exchanges at di na ma-trace unless ipakita mo cryptowallet mo. Isa ito sa ikinakatakot ng mga bangko kaya pagnalaman na galing o may kinalaman sa crypto ang pera mo pwede nilang i-close ang iyong account dahil nagiingat sila na madawit sa mga illegal na gawain. Sa ngayon hindi pa inaaccept ng karamihan ang crypto kaya naman hindi maiiwasang hindi pa ganoong kabukas ang mga polisiya mas lalo na sa bansa natin. Basta lagi mong tandaan basta wala kang ginagawang illegal, wag ka mahiya i-declare at pag kumita ka magbayad ka ng tax. Sure na sure ako maganda tulog mo dahil yumaman ka na, wala ka pang sabit.

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply