Utang na Utang ka na ba?

Utang ng ina, utang ng ama, utang ng anak walang katapusang utang. Cycle na, paikot-ikot na lang ang nangyayari ng walang nababago sa buhay. Wala namang magagawa sa mga di inaasahang pagkakataon, pag kulang talaga kailangan ng manghiram ehh anong dudukutin kung nasagad na ang budget. Parang dalawa na lang ang ginagawa ng mga taong gipit; kumapit sa patalim o kapalan ang mukha sa pangungutang.

Philippines Loans and Salaries
uhuhhuhu sa utang na lang napupunta, di pa nahahawakan

Ok ok mamser… wala naman talagang masamang mangutang, malalaking korporasyon o mga milyonaryo may mga utang nga eh. Saglit lang… edi ibig sabihin kahit mayaman mangungutang ehh madami namang pera yon. Truee naman, na marami silang pera ibig sabihin madami din silang pambayad at madalas ginagamit pa nila yon para yumaman, isipin mo walang nilalabas pero may pumapasok na yan technique nila, gamitin ang liabilities bilang income generating asset. Heheheh sto mo magbasa? Check mo yung Rich Dad, Poor Dad. Pera tapusin mo muna to hahah.

The Dark Side of Utang

How loan is perceived in Philippines
yucky pala mga bilyonaryo eh

Eto na ang isa sa tatak pinoy, takot na takot at diring diri sa utang. Ohh wait lang, pumapasok na si Bimby sa utak mo na “I remember so many people”. Nakoo, pag yan ang nakarinig na ang binili mo ehh utang, hulugan, financing, o basta di mo cash binili aba’y siguradong makakrinig ka ahhah jk lang. Ewan din akala mo pag may utang ehh may kasalanan ganyan na ba kapangit ang tingin ng mga pinoy sa utang. Sabagay, sa dami ba naman ng nagtatago at nilalayasan ang utang nila, bumababa ang tingin sa mga utangero’t utangera.

Punta naman tayo sa mga mosang, marites, o basta kahit sinong cctv na alam ang latest. Isa sa mga tatak kung bakit masama ang tingin sa utang sa kulturang Pinoy… Utang para sa luho… dibaaa ito lagi ang chismis. Ok gets naman for happiness, therapeutic? Hehehe utang muna bago ipon hmmp ipon ka na lang muna mga 100k quickie lang naman. Ang masama, kasi dito lalo na pag walang pambayad nakakaperwisyo ng ibang tao. Kung tutuusin kawawa naman talaga yung inuutangan, pag medyo nalaki tubo illegal tas yung umutang di pa makukulong kahit di magbayad. Pahirapan pa ang pagsingil.

Ang paniningil, eto ang delubyo sa mga nagpapautang eh ang hagilapin ang mga umutang sa kanila. Meron pa din naman na mga mababait, yung mga binubulungan ng mga anghel sa langit na magkusang magbayad, pero meron talagang matitindi. Naalala ko nanaman yung bumbay na nagpapautang “Pag sila utang tali aso, pag ako sisingil labas ang aso”.

Ito talaga ang dark side marami sa ating mga kababayan na umaasa sa utang para maka-’survive’ na lang sa pang araw araw minsan di rin naman nila kasalanan dahil sa hirap ng buhay, kaysa naman mangholdap, magnakaw, o gumawa pa ng ibang krimen.

Wala naman talagang masama sa pangungutang, pero yung patuloy na pag-ikot, paulit ulit na buhay, at perwisyo. Pag nangutang ng walang pambayad, parang nakatali ka lagi sa tanikala, hirap maging mahirap.

The Good Side of Utang

Loan utilization in Philippines
tamang pag-gamit lang ng utang mamser

Ito sana yung maganda sa pinoy eh yung tulungan, yung nagpapahiram sa kapwa lalo na kapag short, wala eh talagang minsan sa buhay nagkukulang. Kahit dati sa mga eskwelahan, yung tipong naiwan mo yung baon mo, manghihiram ka sa kaklase mo tuwing recess. Yung kinulang ka sa pera pambili ulam pero pinautang ka parin ng tindahan. Lakas lang maka-bayanihan.

Utang para sa negosyo, utang para kumita, utang para makapagtrabaho, utang para makapag-aral ito yung maituturing na na investment eh na masasabing maisusugal mo talaga yung utang. Kaya kumakapit kahit sa napakalaking interest ang maraming pinoy. In short, para sa pangarap.

Alamin muna san ba talaga Maganda Mag-Invest?

Sa mgaa nagtagumpay dahil sa utang, nag-SSS loan para sa tuition, lista sa tindahan ang baon, hiniram ang gamit sa school, kumuha ng hulugang gamit sa negosyo at iba pang ginamit ang utang makaahon lang, ibaaa yung feeling no? Sarap? Ahahhaha.

Kaya hindi talaga masama ang utang ang nagiging masama yung nangungutang, minsan yung nagpapautang, pero sa dulo kung gagamitin naman ng maayos ang inutang baka yan pa ang simula ng i-kayayaman mo. Isipin mo mula sa wala nagkakaroon tapos pwede pang lumago, kaya kung walang wala ka pwede naman mangutang maging responsable nga lang.

The Best Utang

Loans in Philippines
parang baril lang ang utang, pwede gamitin sa mabuti at masama

San ba madalas mangutang ang pinoy? Edi sa tindahan, sa kapitbahay o kung kanino may kakilala. Bakit? Kasi wala ng need pang requirements hahaha tiwala system naman talaga ang pinapairal dito sa pinas. Pero ikaw san ka ba mangungutang?

HINDI MASAMA ANG MANGUTANG ALL CAPS PARA MAS DAMA!

Calamity Loan: Sulitin mo yung mga calamity loan dahil madalas walang interest meron man napakababa tapos yung payment terms 1 year- 2 years. Sulit na, kung ako magtatayo ng negosyo, uutang na lang ako sa calamity loan yun gagawin kong puhunan tas hulugan ko na lang bayaran. Pero hindi to palagi ahhh, kasi di naman natin alam kung kelan magkakaroon ng kalamidad tsambahan lang talaga. 

Student Loan: ito pa magandang utang (pag wala talagang pera), oo libre na yung pagaaral sa mga state universities pero madami pa ding gastusin. Naglalabas ang gobyerno ng budget para sa mga hikahos sa buhay, minsan kasi walang tubo yung galing CHED minsan sa DSWD meron din. Medyo madami nga lang requirements, kaya ganito kasi ang target talaga nito makatulong hindi kumita. Sure pa na sa pagaaral mapupunta, kaya  goodies ito may purpose kasi yung loan.

Emergency Loan: Hmmm ito di sa lahat meron pero kung yung pinapasukan mong kumpanya ay may Emergency Loan, maganda din itong utang kasi madalas kung walang interest ay sobrang baba lang para lang mabawi yung processing fee, binibigay madalas yung Emergency Loan para sa mga medical emergencies.

Bakit maganda yung ganitong mga utang? Kasi halos walang interest tapos pag sa bangko ka pa umutang tas nababayaran mo naman gumaganda yung credit standing mo. Maganda ang mag good credit standing kasi mas papautangin ka ng mga lending institutions dahil marunong kang magbayad. Kung ikaw ay kukuha ng bahay, kotse, o ano pa mang bagay na malaki ang halaga mas magiging kampante ka na papahiramin ka ng bangko.

The Evil Utang

Illegal Loans in philippines
ilegal na yan plith plith taph taph staph

Kung may best utang may evil utang din naman mga utang na kulang na lang kaluluwa ang ibayad. Itong mga utang na ito yung mga nagpapabaon sa hirap sa maraming pinoy eh, hirap din kasing mabuhay pero madalas sobra sobra yung interest tapos minsan yung utang mo may bawas na agad na advance interest. GG ka talaga sa mga ganito eh.

  • PaybSiks (5/6) hanggang PaybTen (5/10): ito yung masama eh, oo lam naman natin na ang gusto lang ng mga nagpapautang ay kumita pero GG talaga sa interest eh napakalaki, talong talo lalo na pag may emergencies. Ok pa yung mga tindera sa palengke kasi alam mong ilalagay na puhunan kikita yung pera, pero pano naman yung mga emergencies. Yung sistema dito mangungutang ka sample 500 tapos hahatiin sa lima kada bayad sa 6 na beses, yung 500, bali ang hulog 100 sa anim na araw. Lumalabas 600 na ang ibabayad mo total. Di ba pano pa kaya yung 5/10 edi doble ang bayad.
  • Unli Swipe ng Credit Card: masama din ito lalo na kung wala namang budget para sa mga binibili. Hindi kasi ibig sabihin ng credit card eh free money na dahil wala naman daw nakukulong sa utang. Di lang pagkabaon sa utang o financial ang problema dito pati na din yung spending habits. 
  • Pamigay na collateral: isipin mo yung pinagpaguran mong ipundar pag umutang ka na gagawing collateral ehh wala pa sa 50% ng actual value? Di ba nakakagigil. Napakaraming lending agencies na ganito ang galawan tapos dadalihin pa sa sandamakmak na fees, assessment fee, hanggang photocopy na 10php ang isang kopya.

Kaya maraming naghihirap na Pinoy ehhhh


Wala naman talagang masamang mangutang, wag kang matakot kapatid na magloan lalo naman kung alam mong may mahalaga kang paggagamitan sa buhay. Parte ng financial management sa adulting  yung mga liabilities gaya ng loans, kaya kung magagawa mong maayos na magawa ito tiyak na mas dadami ang opportunities mo sa buhay.

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply