Congrats! Kasi naghahanap ka ng investment, pagkakakitaan, extra-income. Ito na yung first step kung gusto mo ng financial freedom. Uunahan na kita baka ma-disappoint ka lang sa mga nakalagay dito dahil karamihan dito hindi agad-agad magpapayaman sayo, pero tried and tested na <3

Set muna natin manser ano ba yung investment? Ito yung kahit na anong nilalagyan ng pera na nag-iincrease ang value sa paglipas ng panahon. Dapat may balik, hindi lang ito pag may isinuksok may mahuhugot (yun ang ipon), ito yung pag may isinuksok may mahuhugot tapos may dagdag pa (investment) pero may risk pa din.
Saan ba dapat nating ilagay ang resources natin? Pag nag-iinvest kasi hindi lang naman pera yan oras, panahon, atensyon, pati pagod at hirap kasama dyan.
Yung iba nga sipag at tiyaga ang puhunan walang pera pero umaani ng grasya ng legal 😉
Note lang na hindi ito para sa mga naghahanap ng mabilis na kita…. Hindi po ako si coach power!
Saan ba Maganda Mag-Invest?
Self-Investment

Yes mamser, sa sarili… self-investment lalo na kung nagsisimula pa lang mag-invest. Ito yung isa sa may guaranteed returns ehh, hindi mawawala… hindi mananakaw, basta i-utilize lang.
I-treat natin ang sarili natin na isang ASSET, paano ba natin mapapataas yung value natin?
Kung ang lupa tumataas ang value kapag may itinayong imprastraktura, may bagong kalsada, etc.
Ang isang bagay tumataas presyo kapag nag-iisa lang syang ganon… o konti lang yung kaparehas sa merkado… supply at demand ba sirs.
Ehhh pano sa tao?
Mag-aral, Matuto, I-Apply
whyyyyyy? Knowledge is Power sabi ni Ka Ernie Baron (kung alam mo pa to mag-asawa ka na) di naman kailangan na formal education. Basa basa lang ng libro, o kahit nga nood lang sa Youtube ehh.
Tsaka, nakakaboost ng confidence o self-esteem kasi ang hirap kumilos ng nangangapa sa dilim, yung madaming uncertainties (ito ang isa sa di maiiwasan sa investment). Pero kung may alam at confidence mas mababa yung risk na malugi, sa kahit na ano, dahil mas ok ang nagiging choices. DECISION MAKING.
Pag nag-aral, natuto, na-apply goodies na goodies na yan. EXPERIENCE ba, tumataas na value mo nyan mamser kahit puro failures pa yan 😉 wiser than yesterday na agad.
So pano magiging pera? Hindi agad agad… malay mo haang nag-aaral ehh biglang mag pop-up ang isang million dollar idea na di naisip dati kasi hindi pa na expose sa bagong mga bagay bagay.
Health is Wealth
Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo? Nag-iinvest tayo para may anihin sa hinaharap. GG kapag bago pa mamunga eh tinawag na ng liwanag. Kaya goodies na goodies talaga na mag-invest sa sariling katawan.
Bukod pa dyan, ehh pag healthy maraming opportunity ang kayang kayang gawin. Uulitin ko mamser sa investment hindi lang pera lagi ang taya, pati oras at pagod.
Pag healthy kasi mas less yung iniisip, mas nakakapag-focus, may dala din kasing satisfaction kapag ok ang well-being.
Lahat ng yan makakatulong sa mas magandang outlook sa buhay, pag positive ang isip nakaka-attract ng blessings <3
Personal Networking
Hindi ito MLM o multilevel marketing na puro Payaman! Power! Nakakapag-payaman ba ito? Anong kinalaman nito sa investment?
Hindi ito parang Facebook na add lang ng add ng friends, ito yung pag build ng environment kung saan gusto nating mabuhay. Kung gusto natin mag-stock market makipagkilala sa mga trader, investor, fund manager. Bakit? Kasi sure na may malalaman ka, baka maging una ka pa sa balita <3
Bukod pa don ehh pag puro ganyan ang nasa surrounding nakakakuha ng opportunity, kung nakikipag-usap sa mga startups malay mo makakuha ng hinahanap-hanap na supplier para sa tinatayong negosyo.
Sa umpisa medyo baka walang agad agad na epekto pero pag nagtagal ma-fifilter nman natin yung nasa paligid natin, yung alam nating hihilahin tayo paakyat <3
Sample na lang, gumawa ako ng Linkedin profile tas connect ako ng connect sa mga kilala ko at sumali ako sa mga groups. After 1 year, lagi ng may opportunity na lumalapit, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon luxury na yung ikaw pa yung nakakapili ng papasukan <3
 Investing in Yourself Is the Best Way to Find Success
 – Warren Buffett
Sabi nga ni Warren Buffett (ayan ahhh bilyonaryo na yan) ‘Investing in Yourself Is the Best Way to Find Success’ at eto daw ang need ma-develop at improve sa sarili: Communication Skills, Leadership Skills, at Business Relationships. Ito yung buong article galing sa INC.com.
Habit & Consistency

Pano naman naging investment yan aber aber aber… kalma lang explain ko mamser.
Sabi natin kanina and investment ehh yung nilalagay natin sa isang bagay(?) na sa future ehh inaasahan natin may tubo o may balik.
Umpisahan natin
Habit
Ang ini-invest dito madalas oras at panahon (non-financial ba) para ma-build yung pag-uugali. Ano naman makukuha pag may habit na? Yung dating mahirap dumadali.
Sample na lang sa paggising ng maaga, halos lahat ata ng bilyonaro maaga nagigising, mas maraming naggagawa at pwede ka pang mauna. early bird catches the worm.
Walang puhunan sa pag-invest? Gawing habit ang pag-iipon. Kahit maliit pa yan basta tuloy tuloy unti unti di na yan mararamdaman hanggang nagkukusa na at hinahanap-hanap na ng isip.
Ipon Habit para Maging Milyonaryo
Consistency
Syempre may good at bad habits diba, natuto ngang mag-ipon pero lakas naman sa bisyo, pano na tayo nyan sirs?
Consistency is da key… halos parehas sila ng habit eh… parang ingredients ba.
Ito yung makakapag-paalis ng bad habits. Bat need sa investment? Kasi ang taget natin sa investment ehhh kumita o mapalago kung anong meron tayo.
Pag walang bad habits… mas magiging madali ang mag-invest at kumita. Less gastos = savings (pera), Less bisyo = more time.
Pera + Oras = Investment na yarn di ba?
Millionaire’s Mind

Ahhh dito baka sabihin mo scammer itong blog pero gamitin na nating example ang mga scammaz na salot ng lipunan. Sa tingin mo mamser, paano yumayaman yang mga scammer? EZ may Millionaire’s Mind: may Goal, may Plano, at marunong Mag-Execute.
Kaya sa susunod na manonood ng pelikula, panoorin ng mabuti ang kontrabida.
Oyyy!!! Wag ganyan ahhh wag maging bad. Plith plith plith.
Kunin lang natin yung dahilan kung bakit sila madaling nakakapagpayaman, tas gamitin natin para sa mabuting investment. Ito sample na dalawa:
Winning Mindset
Win win win dun na tayo kay Kuya Wil, galing di ba from sidekick to one of the richest celebrity. San ba talaga sya yumaman sa pag-artista o sa negosyo? Karamihan ng yaman ni nasa Real Estate… yown ang maganda di sya na-stuck lumabas sya sa comfort zone nya na showbiz… ngayon mayaman na kahit di na sya mag artista di maghihirap si Kuya Wil.
Marami pang iba na yumaman dahil sa pag-alis sa comfort zone, graduate ng Nursing pero nag negosyo ayun milyonaryo. Meron pa di nakapagtapos (Bill Gates? Steve Jobs? Bilyonaryo na kasi to ehh) pero nag succeed sa buhay.
In short ito yung mga taong nalaman agad yung kanilang Deepest Why, try mo kapatid na tanungin ang sarili mo ng limang beses (5 whys model) kung bakit iyon ang pangarap mo at dyan magsisimula na makita ang liwanag.
Mas makakapag-focus na sa goal at ma-lessen na ang paggugol sa mga wala namang kabuluhang bagay na di naman makakaambag ng value sa sarili (toil) para kang nag overtime ng libre.
Hanggang sa mag-iba na ang mindset o kung paano tignan ang mga bagay bagay sa paligid. Sample kung may nakita kang isang 1k php at 500 php sa kalsda at walang may-ari sayong sayo na talaga. Ano kukunin mo?……………….. Ang winning mindset, kunin mo yung dalawa wag ka pumili ng isa.
Pano ba natin titignan ang opportunities? Pag magtatayo ba ng negosyo kahit maganda na ang lahat pero may konting problema nag-holdback? Di na lang tutuloy? GG pag ganyan sirs.
Kahit may problema pa yan, kung kikita ang negosyo why not. Win lang ng Win <3
Pwede namang ayusin sa susunod yan.
Invest in Failures
Isa sa pinakamasarap na almusal sa umaga FAILURES dahil ibig sabihin neto may sinubukan ka at kapag bumangon naman nabi-build ang utak na magresponse ng mas maayos sa mga kabiguan.
Tandaan! Sa investment lalo na sa high risk… hindi laging kabig, hindi laging panalo, hindi laging masaya. Sure yan, inevitable yan parang si Thanos. Ngayon ang tanong, paano mo sasakyan ang Failure?
Sample na lang natin ang Amazon isa sa pinakamayamang kumpanya sa mundo. Si Jeff Bezos ilang beses na nabigo sa paglabas ng bagong produkto, alam ko naglabas sila dati ng smartphone pero di kinagat ng mga tao ayun lugi milyon milyon. Gumuho ba ang Amazon ni Bezos? Hindi kapatid, kasi tuloy pa din sa paglabas ng ibang serbisyo gaya ng AWS o Amazon Web Services isang cloud provider ayun GG … lipad ang stocks tiba tiba ang bulsa 14% ba naman ito sa buong kita ng Amazon (source: Fierce Telecom).
Parang tumaya lang sa lotto… napakadaming talo… pero isang Jackpot lang ang kailangan bawing bawi na.
Ok lang matalo lalo na sa investment, di araw araw pasko sirs kailangan lang tamang mindset.
Kung stock investor, pano pag nagka-market crash ulit gaya nung pandemic? Kung may Winning Mindset yan at kayang kaya ang Failure hindi yan problema kung di oportunidad.
Wala talagang sagot kung saan magandang mag-invest yan ang truth kasi nakadepende yan sa tao: risk tolerance, budget, at goals.
Di natin pwedeng ipilit ang gumana kay Juan para kay Pedro.
Ang mga nakalagay dito hindi investment advice ahhh INVEST AT YOUR OWN RISK pa din.
Ikaw magkano pinakamahal na tuition (failed investment) na nabayad mo para matuto sa investment? Sulit ba?