Isa sa mga tradisyong Pinoy na inaabangan lagi ng mga bata, “mano po ninong, mano po ninang”, tunay naman ang tamis ng aguinaldo sa Pasko makikita mo lagi sa mga ngiti ng tao. Magandang isipin kung ito ay tradisyon para sa pakikipagkaibigan, pagsama-sama, at lalo na ito ay may kinalaman sa simbahan pero paano pag ginawang negosyo?
Yup kapatid, negosyo o investment? ahhaha Lord baka may minus points sa pagsusulat nito, sorry na : (
Karamihan sa atin kinamulatan na ang pagkakaroon ng ninong at ninang, at ng tayo’y nagkaroon ng anak kumuha na rin tayo ng ninong at ninang para sa kanila. Pero… bakit ba kailangan? Hehehehhe syempre para sa pasko o birthday may regalo, bad di ba? Pero sa totoo lang halos ganyan na ang pagiisip sa pagkakaroon ng ninong at ninang.
Tignan mo na lang itong convo na ito, oooopppsss set mo muna yung cringe level mo.
Binigyan mo na nga kamay gusto pa pati braso, sad talaga eh. Bakit ba kasi bawal daw tumanggi pag inalok maging ninong o ninang? haayyyyy… Eto pa matindi…
Paano pumilli ng ninong at ninang?
- Mayamang Kamag Anak – lalayo pa ba tayo mga mamser? Syempre dun na tayo sa mayamang kamag anak. Ewan basta pag mayaman required magbigay pag pasko, pag di ka nagbigay madamot ka na agad. Isipin mo baka di ka pa kinamusta buong taon tas irerequire ka pag pasko mamigay ng regalo. Well, wala naman masama kung ang intensyon eh mas mapalapit ang pamilya.
- Politiko o taga-Gobyerno – kala mo para lang regalo sa pasko? Sa kapit din meron dee jk lang hehehe. Madalas ang mga pulitiko di din makatanggi pag kinukuhang ninong at ninang, baka need ang imahe na friendly at maasahan. Nakooo swerte mo pag ang binyag mo election season.
- Manager o may mataas na posisyon sa kumpanya – hmmmm eto mukhang ok naman, perooo iba pa din pag may impluwensyaaa, jk ulit hehehe isipin mo di ka pa nakaka-graduate may work ka na agad, lakas mo di ba, may backer eh. Jk lang ulit hgheegegeg. Wala naman masama kung para sa pagkakaibigan naman…
- Sikat sa kahit anong Larangan – kahit sino basta silkat kahit di magandang ehemplo kunin na yan hehehehe. Ito isa sa mga requirement ata lalo na pag kasal syempre maganda ang invitation pag may sikat mas bongga ang celebration. Basta bongga ok na yorn.

Bad yang mga yan ahhh pero totoong nangyayari, nawawala na yung totoong meaning ng ninong at ninang. Ang matindi pa may mga pagkakataon na ipinanapasa pa ang obligasyon ng magulang kina ninong at ninang ahhahaa. Pati cake sa birthday kahit di afford mag party i-obliga ang ninong para mag-ambag.
May mga seminar naman lagi bago ang binyag o kasal, kung ano at bakit ba may ninong at ninang sa buhay ng tao. Habang tumatagal mas lalong cringey ang mga lumalabas na mga post sa FB sa mga ninong at ninang ehh.
Check mo to na lang itong istorya ni mareng Jessica, grabe sa dedikasyon naman si ninong. Nangutang pa ng 100k para lang sa mga inaanak pati 13th month nauubos short pa : ( Sana love ka ng mga inaanak mo para worth it.
Kaya dapat nagiipon muna, try mo mag ipon ng 100k real quick.

Sa huli wala naman talagang masama tsaka maganda naman ang tradisyon ng pamimigay ng regalo’t aguinaldo lalo na sa mga bata. Pero ngayon pati magulang ng 10 months old na bata gusto pa motor para sa anak ehh… 10 months old gusto motor??? Minus points nanaman ako neto sa langit ehh.
Mas ok pa nga madalas yung ninong na pag nakasabay mo sa jeep lilibre ka tas kkwentuhan ka pa. Mas goods pa yung ninong na kapag may trouble maasahan mo, yung payo at karanasan dinadala sa inuman kesa sa yabang at pera. Kaya sa mga ninong at ninang na nagpapakatotoo sa tunay na kahulugan nito, saludo sa inyo.
Conclusion
Di naman masarap yung spaghetti…