Pinoy Emergency Fund 101

May emergency fund ka na ba? Kung meron na, sana all dee jk lang hahaha. Pundasyon ng financial freedom o success ang pagkakaroon ng emergency fund, madalas kasi ito ang nakakalimutan lalo na kapag nagkaroon na ng stable na income:

“Ehh may sweldo naman sa katapusan…”

“Malakas naman ang negosyo, iinvest ko na lang ulit kikita pa ng malaki…”

“Kaya nga nagtatrabaho para kumita at mabili ang gusto, pano kung mamatay ako bukas…”

Pinoy Emergency Fund
“Kapag may itinago may mahuhugot” – wala akong maisip na caption sorry na

Ilan lang yan sa mga naririnig natin sa mga pinoy na dahilan bakit hindi sila nagtatabi ng pera para sa emergency. Wala naman masama kung paano mo gagastusin ang iyong pera, kung ayan ang iyong gusto ay go na go lang mamser, ngunit kung ikaw ay breadwinner o gustong mag-invest ay paniguradong kailangan mo ng emergency fund.

Ano ba ang Emergency Fund?

Padaliin na lang natin ito mamser, ang emergency fund ay pera na madaling makuha kapag mayroong di inaasahang pangyayari upang hindi magalaw ang puhunan o investment. Iba pa ito sa insurance ahh, ito yung madali mong mawiwithdraw at magagamit kapag may emergency gaya ng aksidente, paggagamot, nasirang bahay, nawalan ng trabaho, at iba pa. Hindi ito yung nagkaroon lang ng di inaasahang `sale` yung paborito mong brand ehh huhugutin mo na para mabili, pang-emergency lang ito, mali yorn kapatid.

Emergency Fund is a Foundation
Pundasyon ang Emergency Fund

Bakit mo ba kailangan ng Emergency Fund?

Kung kagaya ng mga dahilan sa itaas yung mga iniisip mo kaya hindi nagtatabi ng pera para sa emergency, magsimula ka na kapatid. Kailangan ito ng lahat kahit mahirap ka pa o mayaman, hindi lang para may ipon kung di magkaroon ng purpose yung perang nakatago:

  • Kung ikaw ay breadwinner: mas kailangan mo ito dahil may mga taong umaasa sayo. Maaaring gamitin ang emergency fund kung di inaasahang mawalan ng trabaho, may nagkasakit, o aksidente.
  • Bago mag-invest o negosyo: ayaw mo naman di ba na bawasan ang kapital o kita mo dahil lang may emergency? Baka ikalugi pa ng negosyo mo. Ganito ang ginagawa ng mga mayayaman hindi sila nag all-in ng pera sa negosyo madalas nga nangungutang pa kesa humugot sa bulsa dahil pag may emergency hindi apektado ang investment o negosyo. Sample mamser, bumili ka sasakyan para sa negosyo mo tapos bumagyo nasira ang bahay baka mapilitan kang ibenta yung sasakyan kapag walang emergency fund, nadamay pa ang negosyo o ibang investments.
  • Bago ka kumuha ng insurance: opps ooppss wait lang di ba ang insurance ginagamit pag may di inaasahang nangyari? Kaya nga insurance ehhh. Tama ka naman dyan kapatid pero magkaiba sila, ang insurance hindi gaanong flexible at madalas may waiting o maturity period hindi na agad sya pasok sa definition natin kanina na madaling mahugot na pera. Sample nagkasakit ka ng minor illness tas di pala covered ng insurance, edi sad : (. Dyan papasok ang emergency fund dahil napaka-flexible nito dahil cash, kahit saang emergency ay pwede mong magamit.

Build na natin yang Emergency Fund mo

Marami kang makikita online kung paano nila ginagawa yung emergency fund nila, pero dito ipakita ko yung basic lang na gabay para sayo. Bago natin simulan ito siguraduhin munang may income kahit irregular pa yan ok lang, mahirap maging mayaman pag pera ang kulang : (

Ok game, paano ba magcompute ng EF o Emergency fund?

Ilista muna natin yung expenses mo, wehhh bakit? Di na lang multiply ang sahod 3x? Hindi kasi magandang praktis iyon kapatid paano kung kulang yung sweldo mo para sa pang araw araw baka mabitin ang EF mo. Mas ok ng sobra kesa sa kulang na emergency fund.
Compute natin yung lahat lahat ng expenses mo na komportable ka meaning hindi magbabago lifestyle mo per month, eto sample mamser:

ExpensesAmount
Electricity Bill3500
Water Bill500
Internet Bill1500
Mobile Load500
Food/Groceries10000
Loans/Insurance/Savings2000
Miscellaneous (Vitamins, Medicine, Etc.)3000
TOTAL21000
Sample computation ng expenses.

Sample lang yung computation sa itaas baguhin mo na lang mamser depende sa pangangailangan mo. Tapos ang ginagawa ko dinadagdagan ko pa ng 10%-20% na buffer, halaa eh para saan naman iyan? Madalas ang emergency kasi hindi sya normal na expenses gaya ng aksidente, sakit, natural disaster gaya ng lindol o bagyo. Kaya yung 21k i-multiply lang sa 1.2 (20%) kaya magiging 25,200 na per month yung EF.

Ngayong nakuha na natin yung monthly ilang buwan naman ba dapat?

MonthsDesciptionAmount
3Goodies na ito kung irregular ang work o may balak kang magresign at maghanap ng bagong trabaho.75600
6Kung papasok ka naman sa mga investment na hindi madaling mahugot o may risk  gaya ng MP2, Mutual Funds, Stocks, o Insurance.151200
9-12Best kung mag-nenegosyo ka dahil malaki ang risk dito at hindi pa timplado ang pasok ng kita, maaring malaki pwedeng maliit. Kaya need ng mas malaking EF kung papasok dito para may pang-cover ng expenses kung kulang ang kita.226,800 – 302,400
Sample computation ng EF, pero depende pa din sayo, guide lang to mamser

Parang ang laki naman, yes kapatid malaki talaga yan, mahal ang mabuhay sa mundo : ( Sample na lang kung may magka-covid sa pamilya nasa 300k – 2M ang range ng gastos sa ospital depende sa severity ng kaso. Hindi pa kasama sa computation ang inflation na lalong magpapababa ng buying power ng pera. Halimbawa lamang yung computation ahhh baguhin mo pa din depende sa needs at kakayahang makapagipon.

Gusto mo makaipon agad ng 100k?

Saan ako dapat magipon ng Emergency Fund?

Ngayong alam na natin kung magkano yung target Emergency Fund natin, check naman natin kung saan best magipon. Huwag ng ugaliin lalo na kung malaking halaga ng pera ang itatago sa alkansya sa bahay, iwas na dyan kapatid, dahil maaring masira ang pera, mas mataas ang tsansa na manakaw, at walang ibang benepisyo. Ang hinahanap natin mamser: madaling ma-withdraw, may dagdag benepisyo, at secured.

  • High Interest Savings Account: Goodies ito dahil sa mataas na interest kahit papaano ehh di ganoong kalaki ang epekto ng inflation. Isa pa ay madali lang din mag withdraw dahil pwedeng magrequest ng ATM kung ikaw ay mag-open kahit sa isang digital bank. Secured naman ito dahil kagaya lang din naman ng traditional banks ang mga digital banks wala nga lang masyadong physical branch.
  • Savings with Insurance: Gaya lang din ng ibang savings account may dagdag benepisyo din at ito naman ang insurance. Madalas ang computation ng benefits ay nakabase sa perang nakadeposito (3x ng monthly ave.). Maganda ito kung wala ka pang insurance o breadwinner ka.
  • Cooperative or local savings bank: Kung may malapit na cooperative sa inyong lugar maganda din maglagay dito dahil kadalasan mas mataas ang interest at pwede pa makakuha ng loan sa mababang interest. Huh ehh bakit naman loan? Maganda din naman magloan lalo na kung mababa ang interest kapag may emergency kesa kumapit sa patalim sa lending agency. Mas madali na din magpa-approve ng loan kasi may pera ka na sa kanila at madalas portion lang ng savings yung pwedeng utangin (hanggang 80%) depende sa policy ng cooperative.
kaya kung may extrang pera, build na ng savings

Kung na meet mo na yung target emergency fund mo, di pa dyan natatapos ang lahat need pa din i-update ito ng regular base sa pangangailangan. Pwede mo gawing Quarterly, Semi-Annual, o Annual. Bakit? Kasi nagbabago ang gastos maaring single ka ngayon at next year magkaka-baby ka na kaya dapat i-update lagi ang emergency fund. Isa pa ang inflation, ito ang dumudurog sa pera natin sa bangko : ( sad but trueee na kapag nakatambay lang ang pera natin bumababa ang buying power nito, kaya need i-update talaga base gastos ng regular.

Congrats! Kung nagbabalak ka ng magsimula sa pag-build ng emergency fund mo, simulan mo na ng maaga para mas masarap ang tulog sa gabi. Mahirap din kasing mabaon sa utang at kung kani-kanino lumapit pag-gipit. Sa mga may EF na saludo sa inyo mga ma’am/sirs, mga responsableng nilalang sa dito sa earth. Salute!

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply