Patok na Online Sideline [2022]

Kung kulang ang kinikita sa trabaho o nag-aaral pa lamang madalas kinakapos o di kaya may pinag-iipunang pangarap, pero kahit na maraming naapektuhan ng pandemic grabe pa din ang diskarteng pinoy. Sideline, extra-hustle, o part-time kahit ano pang tawag dyan basta nakakadagdag ng income, goodies yan kapatid.

Online Sideline Jobs Philippines
dahan dahan lang sa hustle sir

Maraming dahilan kung bakit pumapasok sa sideline ang karamihan satin:

  • Kailangan ng extrang kita o income
  • Passion o gusto yung larangan, hobby, kasi masaya
  • Para matuto ng skills/training o kung gustong mag career shift
  • Maraming time (sana all)

Kaya kung naghahanap ka ng gagawin o need mo ng pagkakakitaan try mo ng mag-sideline.

Best Online Sideline ngayong 2022 para sa mga Pinoy

Digital Content Creator

Content Creator Vlog
ingat ingat lang sa pag-vlog para sa views

(Monthly Income: 1k – 500k+)

Kung may talent ka bakit di mo i-share online! Marami sa mga kababayan natin noong nag-lockdown ay nagsimulang mag-Vlog ng kahit na ano sa buhay nila at marami ang kumikita na gamit lamang ang phone. Kung camera shy ka naman pwede ka pa din gumawa ng content gaya ng Blog o paggawa ng mga Digital Artwork kung hilig mo ang art. Bakit isa ito sa best? Kasi hindi mo na kailangan ng mga mamahaling gamit pwedeng pwede ng magsimula kahit smartphone o PC lang sa bahay. Ang kailangan lang dito hilig mo talaga at masaya ka sa ginagawa mo dahil hindi agad agad papasok ang income dito, marami sa mga nagsisimula ay tumitigil din kalagitnaan dahil sa hindi kumita agad agad. Sample na lang natin dito si CongTV di naman agad siya naging successful pero tignan mo naman ngayon isa na sya sa pinakamayamang youtuber ng Pilipinas. Ito ang ilan sa patok na patok na content online:

VlogBlogDigital Artwork
Sing/Dance Cover
Tutorials
Entertainment
Health and Fitness
Financial Vlog
Travel
Technology and Gaming
Tech Reviews
Health
Infotainment
Politics/News Blog
Travel
Posters
Portraits
Photo and Video Editing
3D artwork
NFT (Non Fungible Tokens)
Mga sikat at in-demand na content

Online Trading

Hindi easy ang trading, may risks ito ahhh

(Monthly Income: 10k – 500k+)

Oppsss risky kasi ito kaya kung hanap mo ay sure money ehh skip mo na ito kapatid. Ok game, patok ito dahil madali na lang pumasok sa stock trading ngayon kumpara dati mas relaxed na din ang mga broker at yung mga platform eh accessible na online sa PC at smartphone. Maraming nahuhumaling dito na yumaman dahil kapalit ng mataas na risk eh yung potential earnings ehh sky is the limit.

Gusto mo ba ng libreng puhunan sa trading? Pwedeng pwede yan sa crypto, medyo komplikado nga lang sa simula pero halos pareho lang din ng stock o forex trading pero dito naman mga coins o cryptocurrencies. Ito ang ilan sa mga paraan para magkaroon ng mga libreng crypto:

  • Learn to Earn: Ginagawa ito para mapakilala yung mga bagong blockchain technologies dahil sa minsan ay sobrang komplikado, gumagawa sila ng mga Learn to Earn promotions para maintindihan ng mga investors at traders, check mo dito sa Binance kung paano ang Learn to Earn.
  • Giveaways: Dito naman hindi sure at swertihan lang talaga pero sa dami ng namimigay ng Cryptocurrencies lalo na sa promotion stage eh maraming nananalo dito.
  • Play to Earn: Maglalaro ka lang ng magkakaroon ka na ng crypto kahit walang puhunan. Maraming blockchain games ngayon na tunay na “Free to Play to Earn” gaya ng Gods Unchained, SandBox, at iba pa.
  • Referral at Link Sharing – Isa pa ito sa legit na legit na paraan para kumita ng crypto, pwedeng magkaroon ng coins kapag may nag-sign up sa link mo o gumamit ng referral codes. Iba iba depende sa platform ang ibinibigay pero sure way naman para magkaroon ng crypto.

Related Article: Yayaman ka ba sa Crypto?

Remote Job o Freelancing

Pinoy part-time work
ingatan din ang katawan

(Monthly Income: 1k – 100k+)

May skills ka ba na in-demand ngayon? Pwedeng pwedeng kumita dyan online! Maraming Pinoy ang nahuhumaling sa mga remote work ngayon dahil sa work from home lang at madalas dahil foreign o banyaga ang mga client eh malaki ang bigayan. San ba makakahanap ng freelance o remote job online? Ang pinakasikat ay ang UpWork at Fiverr na mga platforms para sa mga freelancer, trusted na ang mga ito at napakadaming mga success stories. May iilan nga na sinubukan lamang ito na side job pero dahil sa laki ng kita eh iniwan na ang corporate job at nagtuloy-tuloy na lang na maging freelancer.

Naiisip mo ba na wala ka masyadong skills? O hindi pa gaanong ka-competent? Ok lang yan lods. Maraming mga work o tasks na yakang yaka, yung mga pangmalakasang freelancer ngayon karamihan sa kanila dito lang din nagsimula. Check mo mga to kapatid:

  • Data Encoder – dito basta may PC ka o smartphone pwede na, madalas may susundan ka lang na mga procedure para pag proseso ng mga data tapos copy & paste lang sa isang website o platform.  Kailangan dito eh may masusi ka sa pag check ng mga data, madalas pinapagawa ito sa iba kasi mahirap ang manual tasks lalo na pag madami.
  • Tutor – kung ikaw ay mahilig magturo pwede ito, hindi naman kailangan na sobrang eksperto ka at nakatapos ng pagiging teacher dahil sa karamihan ng nagpapa-tutor ay mga bata naman. Madalas pag foreign client eh English tutor ang hanap, sa Pinas naman eh Math at English kaya kung mahusay ka dito try mo na maging freelance tutor.
  • Photographer – patok na patok ito ngayon kasi sa dami ng gumagawa ng content online. Madami namang images online pero bakit need pa ng photographer? Madami sa mga iyon ay copy righted o hindi basta basta magagamit sa kahit anong content, kaya naman marami sa mga client eh mas gusto na mag-hire na lamang ng photographer. Ang need lang dito ay smartphone at galing sa pagkuha ng litrato.
  • Reviewer o Tester – kung mahilig ka sa isang produkto o gumamit ng mga apps online ito naman siguro ang swak sa iyo. Maraming mga kumpanya ang nagbibigay ng mga sample ng produkto at kumukuha ng reviews bago ilabas ang produkto. Ginagawa nila ito para makakuha ng mga unbiased data mula sa mga consumers o target market at base sa makukuhang data makakagawa sila ng mga strategy sa pag-release ng produkto. Sa mga applications naman ay madalas ang mga beta tests kung saan pinapayagan nilang gamitin ang bagong app para makakita ng bugs o enhancements bago i-release ng tuluyan ang applications.

Online Selling

Pinoy Online Selling
kahit di naman kailangan basta free shipping…

(Monthly Income: 500 – 100k+)

May gamit ka ba na di na nagagamit? Ibenta na yan… parang linya ata ito sa isang sikat na online platform dati hahhaha, pero napakagandang pagkakitaan talaga ang pagbebenta online kasi ang audience o ang market ay malawak kesa sa may physical na pwesto dahil umaasa sa foot traffic.

Maraming pwedeng ibenta online gaya ng lumang damit, gamit sa bahay, o pati na din serbisyo! kung bisyo mo ba ang mag serbisyo eh… : ( Ito ang ilan sa mga sikat na sikat na binebenta online habang nasa bahay lang: Damit, Gamit sa bahay (Home Buddies <3), Pagkain, Printing service, Bags, Tools, at iba. Maganda din kung mag-focus sa isang specialized shop lalo na kung hilig mo din gaya ng Bike Parts, Pet supplies, Computer Parts, Beauty Products.

Saan ba maganda magbenta Online?

  • Shopee o Lazada – libre lang ang paggawa ng accounts dito at maganda dahil may mga proseso na gaya ng order hanggang logistics kaya di ka na mahihirapan pang magtinda. Yun nga lang lahat ng convenience ay may kapalit na fees, maliit lang naman ito usually nasa 2-5% depende sa item na binebenta.
  • Social Media – Sa dami ng babad sa Facebook, Instagram,Tiktok at iba’t iba lang social media sites tiyak na may makakakita ng mga produkto na pwedeng bumili. Libre kasi ito at maraming pwedeng gawin gaya ng promotions, ads, pages, groups at iba pa. Yun nga lang eh mataas ang competition dito dahil na rin sa maraming nagbebenta.
  • Carousell o Online Classified Ads – Dito madalas naghahanap ng mga segunda manong gamit ang karamihan dahil sa dami ng nagbebenta, kaya naman kung gusto mo ibenta yung mga lumang gamit i-post mo na yan sa mga online listings. Libre naman ito at madaling gawin yun nga lang may mga limit sa mga bagong accounts pero goodies pa din.

Walang madaling trabaho kahit sideline pa yan, meron yung enjoyable kaya kung maghahanap na lang din ehh dun na tayo erp. Try lang ng try, kuha lang ng client basta kaya ng isip at katawan. Ingat lang din sa pag extra hustle at alagaan ang sarili, kahit gipit wag kalimutang magpahinga.

Huwag kalimutang mag-ipon, habang kumikita <3

Tiwala lang <3

Share your this post to your family and friends!

One comment

Leave a Reply