Paano Pataasin ang Sweldo?

Napapatanong ka na lang din ba bakit ganito? Talo mo pa ata ang na-scam dahil ang sabi sayo basta naka-graduate na eh ok na. Ano mamser, kumusta ka naman? Disappointed ka ba na ang passion na pinapangarap noon o ang sabi sayo eh malaki ang bigayan… lika iyak na lang tayo 😥😥😥

Filipino workers real salary
kaya nakaka-pressure din ehh : ((((

Lahat naman tayong alipin ng mga korporasyon gustong tumaas ang sweldo, isipin mo kapatid nagtatrabaho tayo sa prime years natin hanggang sa pagtanda. Yung oras na gugulin natin sa trabaho eh ⅓ ng isang araw natin.

Kaya karamihan sa atin gusto na lang mag negosyo, hawak ang oras, mas malaking potential na kitain, mas may chance yumaman.

Related Article: Kaya ang hirap maging Middle Class

Pero kung ikaw ehh yung hindi talaga pang entrepreneur o business minded at talagang passion na passion mo ang ginagawa mo sa trabaho, yung tipong ito talaga yung happiness mo… 😭😭😭 happy for you <3 Congrats at nahanap mo nagpapasaya sayo sa buhay.

Game simulan na natin yung mga paraan para lumaki ang sweldo.

Mag-aral ng Paulit ulit

Continuous Learning to increase salary
continuous learning is the key <3

Gulat ka ba kala mo pagkatapos ng college ok na… kala ko rin eh 🙁

Mas mahal kasi ang bayad sa mga specialist, master, o expert dahil sa knowledge, skills, at experience nila eh mas nakakapagbigay ng value. Sample na lang itong kwento na to:

“May isang pagawaan ng barko na may hindi maayos na sira sa isang makina ng barko, lahat ng engineers nila ginawa na ang lahat pero di pa rin talaga maayos. Isang araw nag-hire sila ng isang matandang retired na engineer, ang ginawa ng matanda pinukpok lang ng martilyo at ayun gumana. Masaya yung may-ari pero biglang nangiwi ng makita ang singil ng matanda. ‘Bakit naman aabot ng 10k ang bayad eh walang isang minuto at pinukpok mo lang naman?’, sumagot naman ang matanda ‘Piso para sa paggamit ng martilyo ko at 9999 naman para kung saan dapat pukpukin’

Dibaa may pa kwento kwento pa, pero same lang naman ang gustong iparating na tataas ang value natin depende sa alam natin. Kaya naman paulit ulit lang na lang na mag aral.

Pwedeng mag masters degree o kumuha ng mga certifications, dahil ilan ito sa nagpapakita na may nakuhang skills o mastery sa isang field.

Ito sample sabi ng PMI o Project Management Institute, yung may project management daw na certification eh tumaas ang sweldo sa Pinas, yes kapatid opo sa Pinas, ng 31%. Isipin mo yorn, dahil lang ikaw ay certified ehh tumaas na ang value.

Lumipat ka na ng Kumpanya

Employees Jumping Companies to Increase Salary
di masamang lumipat, lalo na kung may umaasa sayo at ito ang sagot sa mga problema

Jump brother na kapatid, dahil nakapasok ka na dyan alam mo na kalakaran. Check mo yung mas tenured na ka-work kung gaano ba kalaki ang itinaas ng sweldo nila paglipas ng taon.

Wala naman masama mag-start sa maliit na sweldo, pero kung magtagal na eh di pa rin sapat para sa buhay ehh… lumipat na.

Naghahanap ka ba ng sign hahhahaha ito na yon dahil binabasa mo itong blog na ito. Ito na talaga ang sign….uy uy uy… ito na nga ang sign. Tiwala lang sa sarili sa pag-aapply 😉😉😉

Ok lang ba na lumipat? OO kapatid OO na OPO pa.

Una, opportunity for growth syempre naman bago lumipat yung mas better naman dapat ang ipalit (di lang applicable sa lab layp) bukod sa sweldo maganda din lumipat sa mas magandang oportunidad para matuto dahil new work = new challenges. Kasabay ng growth yung sweldo syempre heheheh.

Pangalawa, best environment kasunod lang ito nung growth mag-grow lang naman tayo kapag maganda yung environment di ba? Isa ito sa dahilan kaya madami lumilipat ng trabaho, hinahanap yung best suited na environment para sa kanila.

Pangatlo, better company well ito hindi sa lahat, marami nitong pandemic mga nagbawas ng tao o nagsara mismo yung kumpanya. Syempre naman kapatid bukod sa mas mataas na sweldo gusto din natin yung stable at yung maganda ang track record sa pag aalaga ng mga empleyado. Kaya bago lumipat check muna reviews sa glassdoor, job street, o linkedin.

Uyyyy wag basta basta tumalon sa ibang barko, yung laging pagpapalit para sa short-term gain gaya ng mataas na sahod ehh nakakaapekto sa long-term job hunting. Ang maganda mag-grow muna sa pinasukang kumpanya, matuto, magkapa-specialized, para tumaas ang value based sa mastery ng skills dahil ibang iba ang mastery sa experience na based lang sa tagal sa kumpanya.

Networking

Employees using Linkedin to build network
hiwalay ang professional sa personal ahhh, wag gawing pesbuk ang LinkedIn

Hindi ito payamaaan … power! Hindi ito yung MLM o Pyramiding scams.

Ito ng pag-connect sa iba’t ibang professionals lalo na sa field na pinasukan mo kapatid. Paano ba nito mapapataas ang swledo ko? Dalawa lang yan mamser:

  • Maraming malalaman – malalaman yung uso o in-demand na skills sa field, ano ginagawa ng mga seasoned o beterano na sa work. In short, magkakaroon ka ng insight kung ano mangyayari sa hinaharap kaya mas magiging prepared ka. Try mo sumali sa mga groups o mga community of practice.
  • Mag offer sila ng work – Ito yung isa sa benefits ehh, di na mahihirapan pang maghanap ng work, minsan kusa pang lumalapit dahil sa mga connections.

Paano ito magagawa? Try mo mag build ng profile sa LinkedIn, dito kasi puro professional ang makakasalamuha.

Sali lang sa mga groups dito at mag follow sa mga skills o practice na interesado ka. Malaking help ito dahil dito madalas naghahanap ang mga recruiter.

Based sa experience ko hehehehe… mas maganda yung mga nakukuhang work dito kumpara sa ibang job websites dahil ito ay social media na may connection talaga sa tao. Hindi yung nag-aaply lang basta sa mga forms tapos abang abang ng reply sa company pwede mismong makipag-usap sa mga HR o iba pang professional para sa work.

Kaya naman sa pag-build ng profile ilagay ang mga relevant skills o certificate na nakuha, tapos build na ng network wag mahiya mag-add o follow hindi ito Facebook.

Remote o Work Abroad

Work From Home Remote Job
whehehehe sorry na

Wala dito sa Pinas yung opportunity? Mababa talaga yung sweldo kahit anong kumpanya? (saludo muna sa health sector 🙇🙇🙇)

Baka nasa ibang bansa na ang solusyon.

Wala naman talagang masama lalo na kung ikakaganda ng buhay ang pag-work sa ibang bansa. Kung sa Pinas napakababa ng sahod at napakataas pa ng competition para sa kaunting magagandang position.

Ang pinakamaganda siguro sa pag-work abroad ehh yung sweldo… wala ehh iba ang value natin sa ibang bansa kesa sa Pinas. Sample na lang sa mga Nurses 10k per month, php pala yan ahh hindi dollar, pero sa ibang bansa aabot hanggang 250k pesos per month ang gross salary. Kaya di mo talaga masisisi na maraming nagaalisan na mga Pinoy.

Ayaw umalis kasi na homesick? Di kaya mag-solo sa ibang bansa? Pwedeng pwede na ang mga remote jobs ngayon nasa bahay ka pa <3 Madalas ito para sa mga IT, Digital Artists, Accountants, Auditors, o yung mga trabaho na pwedeng pwede basta may internet connection.

Dahil sa madalas foreign ang clients ang rate ay laging per USD, dito na lang kumukuha halimbawa ang mga taga-USA ng employee kasi mas mura sa kanila isipin mo minimum sa kanila 15usd per hour pero nakukuhang Pinoy 10usd per hour.

Pero para sa atin goodies na yaan 10usd * 8hours * 20days * 50php = 80k php na agad na tumatagingting at pwede pa tumaas!

Related Article: Remote Side Jobs!

Switch Career

Changing Careers to IT
wala masama mag switch ng career kung iba ang tinapos na kurso

Na-scam ka din ba na akala mo malaki sweldo ng course na kinuha mo noong college? Ito kasi sabi ng mama mo na nakita yung kapitbahay ng tito ng pinsan mo na yumaman?

GG dyan kapatid wala naman sigurong gusto umulit ng pagkuha ng panibagong course dahil sa oras na gugugulin ulit.

Hirap mag-expect di ba hahaha, ganun talaga ang realidad kala natin malaki ang sweldo kasi graduate ehh tapos may license pa, hirap na nga maka-graduate, hirap pa makuha license.

Kaya marami sa mga Nurses, Engineers, Teachers, o iba pang propesyonal eh nag-switch na ng career sa call centers o IT. Wala naman masama sa pag-lipat lalo na kung ikagaganda ng buhay ng tao (plus pag may family). 

Di naman talaga sayang yung degree ehh degree pa din yon, maipagmamalaki pa din. Walang nasasayang don dahil kung nag-aral naman ng mabuti natuto ka at nagkaroon ng skills. Kahit naman yung mga IT professionals ngayon hindi naman lahat ng nalaman nila sa degree nila relevant sa work sa IT ehh.

Kung nag-aalangan lumipat kasi baka kulang ang skills, wag mag-alala lahat naman yan natututunan. Youtube, Coursera, Google lang kapatid, tapos build lang ng profile o portfolio. Kuha ng mga certifications para maipakita yung skills, dahil sa panahon ngayon feeling ko lang mas valuable para sa mga kumpanya yung skills o yung ano kaya mong i-ambag? Kesa sa anong course mo noong college 😊😊😊


Balance pa din kapatid, minsan may mas mahalaga pa kesa sa mataas na sahod kasi di lahat nabibili ng pera, piliin pa din yung buhay pati kaluluwa <3 Lalo na para sa mga bread winners na ang unang iniisip ehh yung makapag-provide para sa family, madalas ay toxic na ang work pero sige lang kasi ang taas ng sweldo.

Ikaw ano pipiliin mo mataas na sahod pero toxic o happy na worklife pero mababa sahod?

Perooo why not di ba? Mataas na sahod tapos happy pa sa work <3 <3 <3

Comment ka naman sa ibaba plith plith plith

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply