Paano makaipon ng 100k the quickest way?

Napakahirap naman talagang magipon ng pera dahil sa napakadaming pinagkakagastusan tapos maliit pa sweldo pero ang trabaho pang tatlong tao. Lahat naman siguro tayo gustong makaipon ng pera pero laging ang hirap magsimula ehh magtatabi lang naman tayo ng pera, hirap din kasing labanan ng tukso lalo na pagbinubugbog ka na sa hirap ng trabaho at commute tas yung kasabay mo sa jeep nagpapaamoy pa ng yumburger.

Mahirap lang ito sa simula mamser kahit siguro goal mo 1M mas mahirap pa rin ang pagiipon ng unang milyon kesa sa pangalawang milyon, kaya babaan na muna natin sa 100k. Pero bakit ba 100k? Inspire muna kita konti para basahin mo gang sa baba

  • Pwede ka ng mag franchise ng negosyo gaya ng Water Refilling Station o Food Business sa halagang 100k.
  • Makakabili ka ng kotse, motor, o tricycle na pwede mo pagkakitaan lalo na ngayon na patok ang may kinalaman sa logistics.
  • Makakapagpatapos na ang 100k ng senior high school, 50k per year sa dalawang taon (cost ng pagaaral assuming may vouchers pa din mula sa gobyerno)
  • Pang down sa pagbili ng house and lot, kung matagal ka na may pangarap ng sariling bahay.

Ayan medyo ginanahan ka na, madali lang naman eh kung gusto mo ng 100k sa isang taon magtabi ka lang ng 8333.33 kada buwan may 100k ka na agad, pero kung ikaw ay nasa laylayan na hirap na hirap na ang payslip mo ay literal na `perang dumulas` pray pray na lang tayo, dee joke lang try mo to mamser.

Gamitin natin yung average na sweldo sabi sa picodi, 15,200 tumatagingting na piptin tawsan toh handred ang bugo’t pawis ng manggagawang Pilipino kada buwan. Tapos gamitin natin yung 20% rule sa savings ibig sabihin may 3040 pesos ka kada buwan na maiipon, sa 33 na buwan o kulang kulang tatlong taon may wan handred tawsan ka na. Hirap di ba? kalaban mo pa inflation, mas mabuti pa ata na buwan buwan ka na lang pumunta kay koya wel para pabtawsan agad may jacket ka pa.

Subukan nating pabilisin ang pagiipon ng 100k (baseline natin 33 months).

Game magipon na tayo ng 100k

Conservative

Gumawa ka ng isa pang bank account – real na real ito na makakatulong sa pagiipon mo, kung nagtitiwala ka sa trust mas magtiwala ka dito. Mas madali makaiwas sa tukso pag yung pera malayo sayo mahirap mahugot, di agad mabubunot, tatagal lalago. Tignan mo din kung insured ba sa PDIC, 500k insurance agad yon pag nag sara yung bangko safe na safe ang 100k mo kesa sa bahay na baka anayin pa, pahirapan pa sa pagpapapalit. Hanap ka nung malaki din ang interest para naman kahit papano eh makatulong sa pagiipon. Subukan natin dito 3% interest per annum:

Dito pag ginawa mo ito mga 31 pa lang na buwan maiipon mo na yung inaasam asam na 100k mas mabilis ng 2 buwan kung ilalagak mo lang sa alkansya sa bahay na makukupit pa ng mabait. Maraming digital bank ang nagpapataasan ng interest kaya tignan mo na lang muna yung reviews bago ka mag open ng account.

Moderately Aggressive

Negosyo (Loading Station) – dito nakasalalay na yung paglago sayo pero wag kang magalala di naman ito risky, mas risky pa yung sumakay ka sa bus pag madaling araw na byaheng langit. Ang kailangan mo lang dito e-wallet gaya ng Gcash, Paymaya, o ShopeePay libreng libre lang ang pag-open ng mga accounts dito and fee lang ata ay ang pag cash-in o paglalagay ng pera sa e-wallet. Dito ang binebenta mo serbisyo na hassle free para sa mga kapitbahay mo at ang maganda hindi napapanis ang pera mo sa e-wallet, yun nga lang ehh walang interest pero ok lang babawi tayo sa tubo. Ano ba mabebenta mo dito? Pwede ka magload, regular load, internet, call & text at iba pa, patungan mo na lang kahit dos per load. Tapos pwede pa yung cash in and cash out suki mo dito yung mga lulong sa sabong dee joke lang pati mga nag online business din pwede mo patungan ng 10 pesos per transaction. Pwede ka din mag bills payment,  bank transfer o pera padala sa mga remittance center patungan mo na lang ng 20-30 pesos. Eto sample ngayon sa puhunan mong 3040 kada buwan, kunwari 3040php lang pera mo dito kada buwan ahh.

Kikita ka ng 1200 kada buwan na dagdag sa ipon sa loob lang ng 24 na buwan makakamit na ang pangarap na 100k mahigit sa isang taon ang binilis ng ipon mo mamser. Madami pang iba gaya ng pagpapautang (lending) o sangla, pero medyo may risky ito kasi mahirap ang maningil kung mababait at hindi yung tipong sila pa galit pag sinisingil ehh goodies na goodies itong negosyo. Kaya kung medyo conservative ka edi dito ka na lang di naman mawawala pera mo sa e-wallet, wag ka lang papabudol online.

Aggressive

Maginvest ka sa sarili mo tapos mag dagdag ka ng source ng income – ito na yung pinaka-risky pwedeng mawalan ka ng pera pero wala namang talo, bakit? Kasi sa sarili mo din naman ikaw mag-iinvest. Maraming namang free tutorial online kaya need mo lang maginvest ng load pang internet at oras para matuto, ang goal lang naman dito ay makapagdagdag ka ng income habang nagwowork o makalipat ng work. Sample magaling ka naman sa math mag apply ka as part time tutor every weekends 1.2k per month edi 2 years lang din may 100k ka na.  Magaral ka ng bagong skills sample malaki bigayan sa programming, magaral ka mamser lalo na kung hilig mo at passionate ka, kung tumaas ang sahod mo sa 40k sweldo mo edi 8k agad ang 20%, edi 1 taon lang may 100k ka na agad ez as pie my prend.

Magaral ng bagong skills na pwedeng mag generate in income.
Magaral ng bagong skills

Hindi na ako gagawa ng chart kasi depende talaga sa mapapasukan mo at kung gaano katagal mo maiipon ang 100k, pwedeng 2 taon o mas mababa pa sa 1 taon. Pero ingat lang din baka masobrahan sa pagtatrabaho mas mahal pa sa 100k magastos mo sa ospital egul ka pa mamser.

Gawin mo ito pag di mo talaga kaya yung 20% dahil sa dami ng gastusin at binubuhat joke lang lalo na kung kulang na kulang ang 15k per month sa gastusin pa lang. Malaking bahagi kasi ng buhay mo ang iinvest mo dito na imbes na matutulog ka magaaral o magwowork ka pa.


Hindi ko isinama dito yung pag invest sa stocks, crypto (yayaman ka ba sa crypto?), iba pang negosyo na mataas ang risk kasi may posibilidad na masunog o maubos ang pera, tandaan na ang goal dito ay magipon lamang kaya hanggat maari ay yung mga investments na hindi magagalaw ang capital o ipon.

Kahit wala ka pang goal pilitin mo na magipon, dahil di mo din alam kung kelan mo marerealize mga plano mo sa buhay, mabuti na yung may mahuhugot kesa pag naisip mo dun ka pa lang magtatanim. Marami din ang magbubukas na oportunidad sayo pag may pera ka, real na real yon sirs lalo na pag may once in a lifetime na offer tas may bala ka talap talap sa feeling. 

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply