Marami ka bang followers at views? Tiktok is layp all da way na ba para sayo? Aba aba ehh pagkakitaan na yaaan … sayang naman ang mga dance moves o comedy skits na ginagawa mo.

Ginawa ko itong blog inspired by MaJoHa (ito yung context if kakagising mo lang galing hibernation). Lagi ko nababasa sa mga comments…. ‘ayan kasi puro TikTok’…. ‘Graduate ng TikTok University’.
Ayun tapos tinignan ko kung gaano ba kalakas ang TikTok sa Pinas. Ito galing sa report ng isang Digital Marketing Agency na DIGITALINNOV pang-apat na most used Social Media platform ang TikTok (source: Manila Times). Una pa din ang Holy Trinity ng Meta na Facebook, Messenger, at Instagram.
Paano I-Monetize o pagkakitaan ang Tiktok?

Sa ngayon alisin muna natin ang TikTok Creator Fund dahil hindi pa ito pwede sa Pinas. Ito na lang muna dahil sure na sure na marami ng Pinoy Tiktokerist ang kumita dito. Ito yung mga sure na legit ahhh:
Brand Sponsorship
Ito yung mga brands o negosyo na nakikipag-partner sa mga content creator kapalit ng talent fee (PR Packages) para ma-promote yung mga produkto o serbisyo nila. Bakit nila ito ginagawa? Simula ng pumasok ang social media grabe na yung switch from traditional media papunta dito… isipin mo na lang lods kalahating million (500k) isang 30s commercial sa GMA.
Hindi naman lahat ng brands lalo na yung mga small business at startups ehh kaya yun, kaya ang ginagawa ehh nakikipag partner sila sa mga influencer o content creators sa social media gaya ng TikTok.
Magkano ang kita dito? Depende yan lods kung sikat ba yung TikTok mo ehhh tiba tiba ka na dito. Depende talaga yan sa dami ng followers, content type, complexity atbp.
Pero kaya hanggang 150k plus plus plus… per post yan idol ahh PER POST, kaya nga hinahabol na sila ng BIR ehhh (source: Inquirer)
Pero sa mga normie na di naman gaano kasing sikat gaya ni CongTV o Alex G, normal sa mga nababasa ko yung PR package na mga free products lalo na sa cosmetics. Walang pera pero may free stuffs ka naman…. If may talent fee naman depende talaga kung paano mo ibebenta o makipag-negotiate may mga TikTokers na kumita ng 1k – 15k per sponsored post.
Magbenta Online
Kung may negosyo i-post mo na yan sa TikTok, grabe yung reach ng mga contet sa TikTok sample na lang giant brands gaya ng Jollibee na malaki budget pero pumasok pa din sa TikTok ito yung resulta nung campaigns nila, Jollibee TikTok case study.
Bakit maganda yung TikTok? Para kasi sa reach mas makilala yung business isa na siguro ako sa buhay na ebidensya na maganda ang TikTok kasi tumaas yung benta ng small business namin sa Shopee.
Pinopost yung product sa TikTok, tapos konting hashtags, konting music… tapos ayuunn every double double sale ng Shopee mas tumataas yung shop visit at buyers kaya sulit na sulit kasi libre ang TikTok <3
Walang sariling negosyo pero maraming followers? No Problem.
Seller Affiliate ang bagay sayo… maraming content creators ang ginagawa ehh nag rereview ng products tas sinasabi “link in my bio” ayun na yorn lodicake.
Check mo ito:
- Lazada: Affiliate Marketing Program
- Shopee: Seller Affiliate Program (dito need seller ka)
Sa kada successful buyer na gumamit ng link makakakuha ka ng porsyento depende sa item pero naglalaro sa 2%-10% madalas.
Na try ko na ito di lang sa TikTok pero less than 1k lang followers ko pero kumita pa din ako ng 3k sa affiliate marketing sa loob ng 30 days. Not bad.
Pano pa kaya if malaki ang fan base?
Ibenta yung Account
Yes opo lodi, ibenta yung account. Ang tawag nila dito ehh flipping, ginagawa pinapataas yung mga followers (organic dapat hindi trolls) madalas targeted sample puro taga NCR o kaya Pinoy Abroad.
Binibili ito ng mga marketers o mga brands para gamitin sa pag-advertise.
Sample: May TikTok ako na ang mga followers ehh puro KPOP fans … syempre matic na mainit sa mata ng mga nagbebenta ng Korean products yung ganoong account na may organic following kaya binibili nila. Kuhang kuha na agad yung target audience plus di na pahirapang mag-ads para sa followers.
Magkano bentahan? Yung mga nasa 30k followers nasa 3k ang bentahan ehh check mo dito sa carousell.
TikTok Live
Madaming galanteng followers? Gamer ka ba o may talent sa mga bagay bagay… i-TikTok live mo na yan. Basta check mo muna ito kung qualified ka:
- 16+ yrs old para makapag-live pero need 18+ para sa donations
- Walang issue sa Community Guidelines
- 1k followers daw pero kasi dito wala naman nakalagay (TikTok Live)
Paano ba ang kumita dito, ohhh eto:
- Kunwari nag Live ka… kunwari lang ahhh imagine muna natin.
- May mga fans na mayaman na bumibili ng gifts gamit yung TikTok coins na binili gamit ang tunay na pera.
- Natuwa ngayon mga nanonood sayo kasi u r sooo adorable… so qt qt, nagbigay sila ngayon ng gifts.
- Edi matutuwa si TikTok sayo kasi kumikita sila sa gifts kaya naman bibigyan ka naman ni TikTok ng Diamonds.
- Naka depende yung Diamonds kay sa popularity at natanggap na gifts.
- Pag may Diamond naaa yehey! Pwede na ma convert sa cash at ipadala sa bank account mo.
Wala akong makitang legit na Diamonds conversion to USD pero marami ang nagsasabi na 5 cents USD ang isang Diamond kaya kung gusto ng 1USD need ng 200 diamonds.
Hindi passion ang paggawa ng content? Marami pang Pagkakakitaan Online!
Paano Palakihin ang Kita sa TikTok?

Focus sa Content Sir!
Maraming pumapasok sa online para lang kumita pero di iniisip ang content (except sa mga nag papakita ng cleavage na patok agad sa mga pinoy) ito yung red-flag agad ehhh.
Isipin muna ano ba ang gusto sir? Ano yung niche (tungkol saan ba) fashion, beauty, comedy, slice of life?
May napapala ba yung audience kung comedy nakakatawa ba? If beauty may nakukuha naman bang tips yung audience.
Sa digital marketing kasi ang madalas tinitignan “nakakapagbigay ba ng value sa nanonood?”, “anong makukuha nila pagnanood sila dito”.
Pag nagawa mo yan sir at na enjoy ng mga tao babalik balikan ka na nyan, kaya nga followers ehhh. Kaya makakaasa ka na sa next videos mo may magaabang na agad <3
Pitch lang ng Pitch
Minsan palay ang lumalapit sa manok… pero madalas need hanapin ang palay. Di sa lahat ng pagkakataon ehh mga brands o business ang lumalapit lalo na hindi naman nag-viral o maraming followers.
Bat di subukang i-pitch o ilapit mismo sa mga gustong makipag-collab.
Ito sample i-msg o email sila
- Pakilala ka kung sino ka
- Sagutin mo yung tanong na “bakit ka makikipag-collab?”
- Pakita ng supporting evidences, maganda if may previous collab na share results, if wala pakita ng stats (ilan followers, ilan views, ayaarrnn)
- Optional, if may iba pang deals pwede din ipakita, if ayaw ng collab pwedeng reseller… pwedeng affiliate. Ganorn.
Uyyy wag agad mataas ang bentahan pag wala pang success story ahhh… red flag din sa mga influencer ang demanding at nanghihingi lang ng mga freebies ehh pero wala namang balik sa mga businesses at brands.
Walang masamang mag pitch sa mga brands mas nagpapakita nga yun ng confidence ehhh… yun lang siguraduhin maayos makipag-communicate.
Advertise ang Sarili
SIno pa ba? Yung mga sikat gaya ng Team Payaman ehh matic na yan na may mga followers kusa na mag-follow sa TikTok. Pano naman kung nagsisimula pa lang?
- I-share sa lahat ng social media
- Gawa lang ng gawa ng content (consistency is the key) with quality ahh
- Makipag-collab sa ibang influencers
- Gumawa ng trending
- Engage with Viewers (comment back sa mga commenters)
- Use the Power of Hashtags
- Pa-promo or Giveaways
- Gumamit ng malinaw na Camera kung kaya <3
- Optional: Gumastos sa Ads
Madalas libre naman ito lahat need lang talaga ng oras at panahon. Tsaka wag agad panghinaan ng loob si CongTV nga first 5 yrs ata walang kinikita. Pataasin lang ng pataasin followers hanggang brands na lumalapit <3
Tandaan lang wag ka gagawa ng mga black magic gaya ng paid followers o followers generator, hindi yan makakatulong in the long run kunwari 1M followers na fake accounts tapos ang likes ng videos 100 lang GG dyan kapatid.
Tiwala lang sa organic di yan masama… it takes time.
Kung tiwala ka naman sa kakayahan mo… goods na goods yan.
Hintay lang ng spark malay mo next na mag viral <3 ma-KMJS pa yaarrnnn <3