Ang hirap makahanap ng murang bahay at lupa, kaya para makamura pipili ka na lang sa mga pre-selling at foreclosed properties ehh. Sa dami ng nangangarap magkaroon ng sariling bahay at sa bilis ng pagtaas ng presyo di na talaga need magpaka-choosy pagdating sa pagpili… need lang maging mapanuri <3

Ano ba yang Foreclosed Properties?
Ito yung mga bahay o lupa na binili gamit ang loan tapos hindi binayaran. Maaring nag-lapse na yung hulog, kaya kinuha na ng nagpautang.
Ito para mabilis:
Kapag bumili ng property gamit ang loan ang naglabas talaga ng pera ay yung nagpautang, sya yung nagbayad sa nagbenta. Ngayon, yung kasunduan eh sa pagitan na ng umutang at nagpautang. Madalas hindi marerelease ang titulo ng lupa hangga’t hindi fully paid at ito ay nasa nagpautang para pag di nakabayad ehh may makukuha sila kapalit nung inilabas nila na pera, collateral ba.
Bakit kinukuha at binebenta?
I-sample na lang natin dito yung PAG-IBIG, yung pera na inutang ehh galing yan sa pondo ng mga miyembro. Kailangan maibalik para maibigay na benepisyo sa mga nag-cclaim na mga miyembro… di naman pwedeng ibigay nila “ohh etooo may bahay dito ito na lang sayo kasi retired ka na”.
Kaya need nila ibenta o i-subasta (i-liquidate) para maging cash at mapaikot pa nila yung pera, pang-loan o pambigay sa mga miyembro. Kung hindi nila gagawin malulugi ang PAG-IBIG at GG na mga miyembro.
Hayyyy… isa sa frustration ng mga middle income earners ang magkabahay : (
Goods ba talaga yan ?

Isipin mo mamser ehh parang 2nd hand na bahay at lupa na yung bibilin… hindi brandnew kumpara sa mga pre-selling properties. Kaya best ito sa mga naghahanap ng best para sa budget nila.
- Mas Mura – ito talaga ng bentahe ng mga foreclosed ehh mas mura sila kesa sa mga kalapit na properties sa same area. Minsan sobrang baba pa para sa market-value kaya maraming nag-uunahan para dito. Bakit mura? Kasi gusto na gawing cash agad agad hindi sapat yung value appreciation over time (pwede pang mag depreciate) tsaka nakuha naman nila ng mas mura halos lahat naman ng loan 80%-90% lang ng appraised value.
- Mas Goods na Loan Terms – nakuha ng bangko yung property at ibinebenta kasi di nagbabayad ng utang ang original na kumuha ng bahay, kaya naman mas ok kung ililipat nila ito sa gusto at may kakayahang makapagbayad.
- Value Appreciation – ito yung ginagawa ng mga foreclosed hunters ehh di ba nga mas mura? Kung alam nila minsan na may gagawing train station o bagong kalsada sa lugar bumibili na sila ng mga foreclosed properties ediii stonks agad sila.
- Legit na Legit – ang hirap kasi bumili ng real estate ang daming proseso… mas lalo na sa mga di naman maalam sa mga ganito ehhh nightmare talaga sa pag legit check pa lang ng titulo sa LRA (gobyerno), kung may kaso etc. Dito wala ng aalalahinin dahil bangko na ang gumagawa, kaya panatag na legit ang titulong makukuha.
Too good to be truee ba?

Syempre lahat ng yan may catch… true na true naman yung mga nasa itaas na advantages perooo hindi sa lahat ng pagkakataon eh ganyan lagi. Mag ingat pa rin at laging maging mapanuri dahil bibilin ito ng “As Is Where Is”
- May Nakatira – red flag na agad ito, kung bago ka pa lang sa paghahanap ng mga foreclosed properties eh i-filter out mo na agad ito, baka hindi worth it ang stress at mahabang proseso ang foreclosed na property. Maaring sila yung original buyer na di nakabayad o may nag squatter na umukupa ng property.
- Sira Sira ang Property – walang warranty ito ahh, kaya need talaga ng site visit check ang bahay at paligid ng property. Dahil pag binili iyan ay AS-IS ibig sabihin eh walang panangutan ang nagbenta sa kahit ano mang sira o hindi nagustuhan ng bumili.
- Mahirap Manalo sa Bidding – haayyyy… dahil nga sa mura ng mga properties ehh maraming may gusto kaya naman ang hirap manalo sa bidding sa taas ng competition. Minsan kung gusto mo talaga yung property ehh malaki laki ang i-bid para sure win.
- May utang yung Property – ito madalas sa mga subdivision na may binabayaran sa HOA (Homeowners Association) madalas hindi kasi ito makikita dun sa titulo. Meralco at tubig? GG pag hindi ito binayaran kasi hindi makakabitan ng linya ng kuryente at tubig. Tandaan: “As Is Where Is” ang bentahan.
- May Kaso sa Korte – dito madalas kahit may titulo ehh may sabit, di porket may titulo na goods na agad. Pwede kasing may kaso pa sa korte, sample gustong ipawalang bisa yung titulo ganorn, kunwari may magkakapatid pala na tagapagmana tapos sinolo lang ng isang anak char.
Saan makakahanap ng Foreclosed Property?

Gusto mo ba mag-browse browse muna ng bahay at lupa? Check check lang muna kung kaya ba? At kung may magandang location? Ito yung mga legit na sites:
PAGIBIG
San pa ba syempre sa gobyerno muna, ito yung Home Development Mutual Fund na ginawa para magkaroon ng bahay at lupa ang mga Pinoy na pasok sa budget. Maraming dito nag-loan para sa mga properties nila dahil mas madali ma-approve kesa sa mga bangko at nag-offer pa ng 30 years term para mababa ang monthly. Pasok na pasok talaga sa mga saktuhan lang ang income per month.
Dito sa website nila makikita ang mga bagong foreclosed properties: PAGIBIG ACQUIRED ASSETS
Lagi naman silang nag-uupdate weekly para sa schedule ng bidding, oo mamser, bidding pataasan ng bid para manalo, para sa detalye nasa website naman nila yung proseso.
Ito pa ediii nakita mo na yung mga properties at kung magkano minimum bid, try mo lang kunwari mag bid ka tas pwede mo din makita kung magkano monthly mo o kung pasok ba yung income para makuha yung property.
Try mo itong PAGIBIG LOAN CALCULATOR para magka-idea para sa loan <3
BANGKO
Pag-usapang loan di mawawala dyan ang mga bangko, madalas kasi mas competitive yung mga loan rates dito kesa sa Pagibig. kaya maraming mas gusto na dito kumuha ng home loan. Syempre may catch medyo mas strikto sila sa pagpapautang need ng maraming proof na may kapasidad ang nangungutang na makapagbayad.
Ito yung pwede mong pag check:
- BDO: Properties for Sale
- Security Bank: Foreclosed Properties for Sale
- UnionBank: Foreclosed Properties
- Landbank: Properties for Sale
- Robinsons Bank: Foreclosed Properties
- PNB: Asset Management
- PSBank: Properties for Sale
- Metrobank: Properties for Sale
- RCBC: Properties for Sale
- Asia United Bank: Properties for Sale
- China Bank Savings: Real Estate Assets for Sale
- Bank of Commerce: Properties for Sale
- Maybank: Properties for Sale
- Equicom Savings Bank: Properties for Sale
Foreclosure Philippines
Website ito na halos lahat ng mga foreclosed properties ay makikita, 3rd party ito na kumukuha ng details sa mga bangko at lending agencies ng mga listing tapos nilalagay sa website nila. Yun nga lang baka hindi updated yung andito, pero madalas naman laging updated ito lalo na sa Pagibig acquired assets.
Check mo lang yung website nila: Foreclosure Philippines
Ang maganda dito di mo na need pumunta pa sa maraming websites para lang mag browse, kahit iba iba pinagmulan ehh kayang kaya i-search.
Napadpad ka ba dito kasi naghahanap ka ng investment? O gusto mo lang talagang magkabahay. Kung talagang gipit sa budget o na saktuhan mo na perfect yung location na binebentang bahay ito na talaga, wag na magpatumpiktumpik paaa.
Pero mag-ingat due diligence pa din dahil ang bentahan dito ay As Is Where Is.
Di dahil mura ehh makakamura baka sa dulo ikaw pa eh mapamura.