Nag start mag offer ang Gcash kasama ang ATRAM last year ng mga additional funds, dati parang money market fund lang ata yung available pero ngayon dumadami na. Kaya naman nag-try ako mag GInvest and share ko sa inyo ang status ng investment, kung kumita ba o hindi after 1 year.

Puro aggressive funds ang idinagdag nila last year na yung asset class ay equities o stock investing, meron pa din namang mga conservative gaya ng fixed income at money market fund. At the time of the writing ito yung mga available na funds sa GInvest:
- ATRAM Peso Money Market Fund (Conservative)
- ATRAM Total Return Peso Bond Fund (Moderate)
- ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund (Aggressive)
- ATRAM Global Technology Feeder Fund (Aggressive)
- ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund (Aggressive)
- BPI-IMI Philippine Stock Index Fund (Aggressive)
- BPI-IMI ALFM Global Multi-Asset Income Fund (Aggressive)
Kung gusto mong mag-invest check mo itong guide ng Gcash.
Ooopssss wait lang bago ka mag invest gawin mo muna itong dalawa: Risk Assessment at Fund Research
Risk Assessment para malaman mo mamser yung hanggang saan ang kaya mong i-risk, iba iba kasi lahat ng tao, iba ang risk ng minimum wage earner sa kumikita ng 100k na may same na gastos. Tandaan! Invest lang ang perang kayang malugi o mawala.
Fund Research bago mag-invest check muna ano ba yung fund? Sino ba nag-mamanage nito? Saan ba nag-iinvest? Ayorn lang naman kapatid.
Note: Hindi ito quick rich scheme gaya ng mga naglipanang mga scams, regulated ito ng Bangko Sentral
Dami kong esab para sa intro hahaha pero ito na ang nangyari sa investment ko sa GInvest.
Saan ba ako nag invest? Last year nung naging available yung mga ito ATRAM Global Technology Feeder Fund at ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund, share ko din bakit ito yung mga napili ko.
ATRAM Global Technology Feeder Fund
Itong fund na to naka-invest sa mga top tech companies sa buong mundo gaya ng Apple, Alphabet (Google), at Samsung. Target nito mga long-term investor na gustong sakyan ang pag-angat ng mga tech companies at naniniwalang tech is the future.

Ang ginagawa ko nag-iinvest ako monthly ng 3k kada sweldo para ilagay dito, sa opinyon ko kasi magiging bullish ang tech sector during at after pandemic dahil sa demand ng new normal (opinion ko lang naman ehehhe). Tsaka yung historical performance din ng fund ay maganda, perooo wait lang ahh ang past performance hindi dapat gamiting assurance para sa future, Equity pa rin ito na naka-base sa stocks na volatile.

Ayun na nga kapatid after 1 year kumita ng 819.12php ang 39k na na-invest ko. Hmmmm parang ang baba? Para sakin na tinitignan ito sa long-term perspective ok lang yung result after 1 year, mas maganda pa din kesa sa traditional banks.
Pagpapatuloy ko pa ba to? Oo naman pero iibahin ko ng konti yung strategy imbis na kada sweldo try ko mag-invest kapag mababa o down ang market, may cycle din naman na finafollow ang mga UITFs gaya ng stocks.
ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund
Dito naman naka-focus sa Philippine market at majority ng investments ay sa maituturing na mga blue chip companies gaya ng SM, Ayala, BPI, BDO, at ICT. Kaya kung maganda ang performance ng PSEi paakyat din ang unit value ng fund na ito, ganun din naman pag bagsak ang PSEi bababa din ang value.

Dito naman ganun din nag-invest ako ng 2220 monthly kada sweldo last year, kasi pagpasok ng 2021 from 7k bumababa ang PH index ulit sa 6k. Tinake ko na yon as opportunity dahil sa isip ko babalik naman ulit yan sa 7k o higit pa, panahon lang talaga. Yun din yung panahon na dumadami na yung vaccine at maganda yung resulta sa ibang bansa, kaya naisip ko na kahit mag new normal di na siguro babagsak kaya ng March 2020 yung index. *mga opinyon ko lang naman ito ahh di ako professional

Kung bakit 2220php ang ininvest ko yan kasi monthly premium ko sa insurance, tas iniisip ko lang na pambayad ito ng insurance dahil annual ang payment ko, ipunin ko muna dito monthly. Dapat talaga sa high interest dahil conservative (dalagang filipina) ako pero ewan nakikita ko na ang liwanag mula sa covid last year. *kaya wag gagayahin mga desisyon ko sa buhay, share ko lang hahaha, risky risky wiggly wiggly
Mukhang maganda naman yung kinalabasan hahaha pero risky pa din. Kumita ako ng 2k plus ok na din, mas mataas kesa sa bank savings na papalo lang ng hanggang 4% ang annual interest.
Pagpapatuloy ko pa ba to? I-withdraw ko na muna pambayad insurance kasi yun naman talaga ang purpose, pero kung uulitin ko ka pa ba na mag invest…. pakiramdaman ko muna after election wehhehe.
Overall naging maganda naman ang experience ko sa GInvest dahil sa madali lang ang pag-invest at affordable pa. Para sa mga nag-start pa lang ok din naman mag start sa money-market at bond fund lalo na sa mga conservative.
Need lang talaga ng research, kaya ang gagawin ko talaga next ehh mas tututukan ko na at i-check kung kelan best bumili at i-benta ang investment.
Uyyy hindi ito financial advice, shinare ko lang yung GInvest journey ko. Mag-invest pa din base sa research at kung saan ka komportable, tandaan lagi kahit na legit pa ito may chance pa din na malugi.
Bago mag-invest mag-ipon muna <3
Invest at your own risk.