Masama ba Mangutang?

Depende ang sagot, hindi sa lahat ng pagkakataon masama ang mangutang minsan ito pa ang magandang paraan para mas kumita ng pera. Sa kulturang pinoy napaka negative o parang ang sama lagi ng utang.

Filipino Debt
Wala naman talaga masama mangutang

Lahat na lang pag galing utang ehh masama, yan pa ang chika na almusal ng marites. Bakit ba napakasama ng utang para sa mga pinoy?

  • Nakakahiya daw pag walang Cash – ewan ko ba sa ating mga pinoy feeling ko ehh may dala na ding inggit pag bumili ng bagay na galing sa utang. Kailangan laging cash lang para masabing mayaman.
  • Mayabang lang – ayaw na ayaw sa utang dahil madalas ang mga umuutang ehh mga mahihirap nating mga kapatid… baka pag umutang ehh ma feel nya na ka-level na sya ng mga mahihirap (kahit sa isip lang naman yorn).
  • Ayaw sa Feeling na may Babayaran – hmmm siguro ito yung pinakaramdam ng mga masisipag na manggagawa .. yung feeling na di ka pa sumusweldo wala ng natitira.

Ehh bakit depende ang sagot kung masama ang utang?

May Good Debt at Bad Debt kasi kapatid.

Good Debt

Filipino liabilities
gawing asset ang liabilities, check mo to: Rich Dad, Poor Dad

Simulan na natin dito kapatid, sa tingin mo bakit yumaman o mas lalong yumayaman ang mayaman? Marami sa kanila dahil sa utang, yes opo ma’am/sir, sa utang.

Umuutang sila para may pang-capital o pang-upgrade ng negosyo, hindi sila bumubunot ng pera sa bulsa para dito. Bakit? Kasi halos libreng pera ito para sa kanila dahil regular nila itong ginagawa maganda ang credit record nila, mas madali umutang mas mababa pa ang interest.

Simple lang pag maganda credit standing:
mabilis umutang = masusunggaban agad ang oportunidad (time is gold <3)
mababang interest = kaya nagiging free money kasi mas malaki ang kinikita kesa sa interest

Anong nagagawa nyan para sa kanila? Magic… de joke lang… na coconvert nila yung liabilities (utang.. Basta yung negative na pera) papuntang income generating asset. Sample umutang ng  1M tapos interest lang eh 5% pero ang kita sa negosyo after 1 year eh 25% di ba kumita agad ng 20%.

Pano naman pag mahirap, kaya ba yang ganyan? Oo naman!!!
Kung yung pera na uutangin sample gagamitin mo para magkapera, why not. Sample kung mag-aaral ka ng bagong skills… maraming ganyang OFW inutang yung pag-aaral ng welding o butcher tapos magkaroon ng skills ayun nag apply sa ibang bansa, ngayon marami ng pera.

Basta tandaan ang Good Debt yan yung uutangin natin kasi alam nating gaganda yung buhay natin o yung kayang makapagbigay ng mas maayos na buhay.

Bad Debt

Filipino Bad Debt
panik mode GG mgaa sirs

Subukan kong ilista lahat kung bakit nagiging masama ang isang utang para mas klaro.

  • Luho – uutang para makabili ng bagong smartphone, kahit wala sa budget. Kahit hindi naman pagkakakitaan o gagamitin sa makabuluhang bagay go lang ng go. Dito nagiging masama ang utang kasi napupunta sa bagay na di naman kailangan at kakainin yung dapat napupunta sa needs. Short na nga ang budget aba inuna pa ang bagong damit.
  • Pasikat – binyag o birthday ng anak? Walang panghanda? I-utang nayaarn. Tapos ang dahilan kasi kailangan ma exp ng baby ang binyag at 1 yr birthday celeb : ( Juicecolored… sorry po lord… 
  • Sugal – yes masama din umutang para sa sugal kahit may tsansang bumalik at lumago ang pera… iba ito sa negosyo na may control ka sa nangyayari, dito swerte lang talaga. Hirap pa pag na lulong GG na pag ganon sirs.
  • Mataas na interest – kups yung mga nagpapautang ng ganito hahahah yung grabe ang interest. Ok lang bumili ng mga wants o luho minsan pero mas maganda pag pinag-iipunan kesa i-utang dahil sa laki ng interest.
  • Negative – sa good debt ang ginagawa ng mga negosyanteng mayayaman ginagawa nilang income generating asset ang utang kaya nagiging positive sa cash flow nila. Kaya ang utang na di kayang bayaran o di ginagawang pagkakakitaan ay bad kapatid.

Masama talaga ang utang pag ganito, damay din yung inutangan, di rin naman pinupulot ang pera.

Nagiging bad debt lang naman dahil sa pagkakagastusan ng pera na galing sa utang, kasi umuutang tayo madalas dahil short o may budget deficit. Kung mauuna pa ang pagpaparebond kesa sa pagkain sa araw araw GG na.

Paano makakaiwas sa masamang utang?

Sa hirap ng buhay parang lugaw na sa pagiging essential ang utang. Ok lang yan ok lang, kung ginagamit naman ng maayos ang pera why not. Try mo muna ito bago mangutang:

  • Build ng Emergency Fund – umuutang madalas dahil may biglaang gastos, wala sa budget… pero kailangan eh… pag walang pera syempre utang na lang muna: ( sad no choice. Kaya napakahalaga ng emergency fund.

Related Article: Paano ba gumawa ng Emergency Fund?

  • Income Protection – iba pa ito sa emergency fund ito madalas yung pang malakihang gastos na, gaya ng malalang sakit, aksidente, at iba pa na makakaapekto sa income. Pano maiiwasan para tuloy tuloy ang pasok ng pera at hindi mangutang? Kuha lang ng insurance, HMO, or magbayad ng Philhealth.

Related Article: Check mo to bago ka kumuha ng VUL

  • Magipon para sa Luho – masakit sa bulsa yung interest ng mga utang kaya kung gustong gusto talaga ang isang bagay ehh pag-ipunan. Wala naman masamang mag-enjoy sa buhay, sure lang natin na hindi magdudusa… may iPhone nga wala naman bigas.

Related Article: Ipon Challenge mo na yan 😉

  • Pagkakitaan – gawing income generating asset, umutang para sa iPhone bat di gamitin para kumita? Pwede mag vlog, pumasok sa online job, o online selling. Yung negative sa financials gawing positive <3

Related Article: Ito patok na patok na sideline para iwas utang

  • Mag-Invest -magkaka-bad debt ka pa ba kung marami ka ng pera? Possible ahahaha pero mas mababa na ang chance di ba. Pataasin ang income, kayod lang, invest, ipon, tapos enjoy

Related Article: Oppss wait muna kung sa Crypto ka mag-iinvest


Huwag mandiri sa utang, malay mo ito na pala ang sagot sa mga problema <3

“With great power comes great responsibility”

Sabi ni Uncle Ben

Nakadepende talaga yan sa perspective ng tao, sample ang baril para sa marami masama yan nakakasakit at nakakapatay pero para sa iba ehh nakakatulong at nakakaligtas ng buhay.

Ganyan lang din sa pera kung paano ginagamit yan.

Kung napadaan ka dito, comment ka naman kahit ano wag lang spam. Walang nag cocomment eh. plith… uwu …

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply