Mas OK ba pag Installment?

Hirap bumili ngayon no? Bilihin lang ang hindi lumalandi pero nagmamahal tapos nakakasakit pa ng damdamin. Kaya marami satin yung ayaw mangutang sa kapitbahay ehh installment ang sagot, hulugan, 2 gives, 3 gives, hanggang ilang gives.

Buying Gadgets via Installment Plans
Di pwedend magasgasan di pa fully paid

Lagi mo na lang maririnig  “wag mo gasgasan at di pa tapos hulugan yan” di ba mas maingat pa kahit may warranty naman.

Dati usong uso ito sa mga nagtitinda ng Avon at MSE ehh yung mga nagbebenta ng may mga magazine tas pipili ka dun. Gagawin nila para makabenta eh 2 gives hanggang 10 gives pa nga ehh.

Madalas ito sa mga biglaang gastos, yung walang budget pero kailangan na kailangan. Sample dati nung nagsimula ang online classes halos lahat kailangan ng computer o tablet di alam kung saan hahagilap andd….. charaaan “Installment Plan” 🎉🎉🎉

The Goodies of Installment

Installment as payment option
Walang pera? walang maisasangla? Lam na this

Yung Installment utang pa din yan kapatid ahhh U-T-A-N-G maaring hindi nga lang sa pamamagitan ng bangko o lending agencies…pero pwede din sa kanila… kung saan nakukuha agad natin ang produkto o serbisyo pero yung bayad dahan dahan lang whehehe.

Kaya goodies ang installment ehhh:

  • Nahahati ang bayad – hindi kailangan na isang bagsakan ang bayad, nahahati ito sa ilang buwan o depende sa terms ng installment plan. Maganda ito kung gusto mo mag trabaho gamit ang motor tas wala pang pambili, ediii kuha tayo ng hulugan tapos mag tabi kada buwan galing sa kinikita sa motor para sa hulog ng di mahatak syimpriii. Kahit sa tuition sa school goodies yang installment kulang pera pero sayang ang panahon kung mag-stop, edi mag installment (promissory note heheheh) para makapasok.
  • Sooo EZ – hindi mahirap mag-apply lalo na sa mga appliance centers kung bibili ng mga gamit sa bahay, mas ok kung may credit card na makakakuha ka pa ng naka-promo. Pag ni-loan pa kasi ang tagal tapos dami ang requirements tapos ganun din naman huhulugan din buwan-buwan.
  • Wala kang dapat patunayan – syempreee meron din naman gaya ng identification minsan proof of billing basta patunayan mo lang na totoong tao ka at ikaw talaga yung nakapirma. Di gaya sa bangko na uutang ka tapos hahanapan ka pa ng collateral, GG pa pag di nahulugan pati bahay tangay. Tapos di lang yan hahanapin pa credit history mo kung good payer ka ba, sa mga installment plans di na tinitignan yan unless may previous bad records ka sa kanila.
  • Emergency – pano kung may emergency tapos walang mahugot na pera? Wala ding agad agad na magpapautang… installment na yan. Para sa mga may credit card goodies ito kasi hahanap na lang ng tumatanggap ng credit card pero sa wala baka limited lang sa ilang stores. Kaya good na good ang installment kasi di na din mahihirapan magbayad dahil nahahati naman.

Oppss may Bad Side din

Interest in paying via installment
basta mahaba ang payment term G? o lugi?

Syempriii di naman lahat goodies may catch din ito kapatid. Utang pa din ito eh at yung convenience ehh madalas may bayad yun, need din nila kumita eh.

  • May Interest – kasi iba yung pera ngayon sa pera bukas, tsaka di kasi nila nakukuha madalas agad yung service o product cost inaabot ng ilang linggo o buwan para makabawi. Kaya para sa mga stores eh need nila maglagay ng interest para mabawi yung panahon na iyon tsaka gumagamit din sila ng 3rd party service na maraming fees, madalas para quits minsan syempree para kumita.
  • Pinakamataas na Presyo – sabi kasi sa batas lalo na sa mga stores dapat nakalagay lagi ang presyo pero madalas kasi iba ang presyo pagbinibili ng cash kesa sa credit card o installment. Kaya laging may discount pag cash pero ang totoo inaalis lang nila yung fees ng credit card at installment dun. Kaya pag installment madalas walang promo o discount.
  • Hatak Attackkkk – pwede nilang bawiin yung item kapag di nakapaghulog, madalas na tawag “hatak”. Ginagawa ito ng mga seller kapag hindi nakakabayad ang buyer para mabawi nila yung puhunan. 
  • Ma-Call-It – makulit tawag ng tawag kahit na magbabayad ka naman, whehehehe minsan teknik nila yan para maghulog except na lang kapag credit card di naman sila ganoong madalas tumawag, pero kung ayaw mo ng laging kinukulit iwasan mo na ito.

Kung gusto mo makamura syempre Cash is King


Hindi nakakabutas ng bulsa ang installment kaya goodies na goodies lalo na kung need na need talaga. Maganda din itong paraan kung gusto mo magnegosyo tas kulang puhunan.

Etoo sample:

Mainit ang panahon, marami dyan gusto ng palamig. Check mo tong real life shake business:

Nag installment ng Blender: 300 per week for 5 weeks
Kita sa Shake business: 1k net per week
Kita pagkatapos bayaran blender: 700 kita sa bulsa

Gang sa pagkatapos ng 5 weeks solo na yung kinitika, yun lang risky kasi minsan walang bumibili tsaka summer time lang mabenta yung shake ahhahahaha.

Sample lang naman iyan kung paano pwedeng magamit yung installment plan sa pagpapaganda ng buhay <3

Comment mo naman sa i-baba kung anong pinakasulit na binayaran mo via installment <3

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply