Mas Makakamura ka ba sa Tingi?

Makakamura ka ba talaga o mapapamura sa mga bilihin ngayon sa taas ng inflation. Kaya ang sagot lagi ay ang kultura ng tingi, survival mode ba… mindset ba mindset. Pero sure win ba dito o gg nanaman, hindi lahat ng tingi ay maganda, minsan mas nakakaubos pa ng pera.

Tingi Culture in the Philippines
kahit saan ka pa dadayuhin ka

Yan ang laging makikita sa palengke, mga sachet o mga nakabalot sa maliliit na plastic. Sa tindi ng tingi sa Pinas halos lahat ng kailangan sa bahay ehh nakatingi gaya ng bawang, asin, asukal, hanggang sa deodorant. Ito yung mga normal na di naman tingi pero sa sobrang hirap bumili ng bultuhan, kaya Pinas na ata ang naghahari sa Sachet Economy.

Related Article: Kakainin ka ng Inflation, RaWr!

The Shrinkflation

Shrinkflation in the Philippines
isang lagok na lang eh, di na pwedeng panulak… pang exp exp na lang ganon

Ito yung pagbaba ng quantity o yung laman ng produkto pero di nagbabago ang presyo. Ginagawa ito ng mga kumpanya na strategy kapag nagmamahal ang presyo ng produksyon pero hirap ipasa sa mamimili dahil baka wala ng bumili.

Hindi ito masyadong halata ehh dahil hindi agad kita sa packaging kailangan pang basahin na mabuti. Kung dati yung softdrinks na de bote ehh 500ml ngayon iba na nagiging sakto, mismo, swakto na paliit ng paliit sa susunod siguro shot shot na lang, shot puno.

Yung ganitong strategy ng mga producer ehh patok na patok sa mga Pinoy kasi pasok pa din sa budget pero minsan nakaka-disappoint ehh sad na sad yung pandesal lumiliit na may hangin pa sa loob.  Yung siomai na tatlo sampo pwede ng pang-ulam pero ngayon kinse na tatlo ang liliit pa : (

Para naman sa mga negosyante dyan etoo magandang case study sa skimflation, ito sample yung Schlitz Mistake, good read SKL. Kaya mas madalas ang shrink o magkaroon ng sachet/tingi kesa magbago ang quality wag lang pahalata haha.

Bakit nagkakaroon ng Shrinkflation?

Causes of Shrinkflation in the Philippines
kaya tatapatan yan ng mga producer, baka susunod shot shot na lang alak.

Bukod sa epekto ng inflation sa pagtaas ng gastos sa produksyon na mahirap ipasa sa consumer dahil sa kompetisyon. Ang isa sa dahilan talaga ehh, walang pambili na ang mga tao. Wala talagang pera o bumaba ang buying power kaya naman hindi kayang sumabay sa pagtataas ng presyo ng bilihin, kaya kung ano lang ang kaya kahit naka-sachet pa yan bibilin maka-survive lang.

Wala ehh kahit yung mga tindera sa palengke, kung di nila itatakal o i-sasachet ang mga paninda nila baka konti lang ang bumili. Ganun din sa malalaking brand kesa magtaas, bawasan na lang daanin na lang sa commercial, charoot.

Ito ang repleksyon ng ekonomiya ng bansa ehh, bumababa ang buying power ng tao malamang kasi halos di nagbago ang sweldo tapos pataas pa bilihin edi no choice mga negosyante kung di tapatan ang pera ng normal na Pinoy para makabenta.

Ok ba talaga ang Tingi?

Tingi affecting purchase decisions
pag di kailangan marami: “wan onleh my tomeeeh”

Depende, maganda naman ang tingi kapag one-time use o ilang beses lang gagamitin sample ehhh semento kesa bumili ng isang sako mas ok pa na maghanap ng tingi kung kaunti lang ang kailangan. Eto pa kung bibili ng bond paper tapos isa lang ang kailangan minsan mas ok pa yung piso isa kesa bumili sa malalaking school supplies store na nakabalot kahit papatak na sikwenta sentimos lang ang isa, aanhin mo naman yung iba dibaaaa.

Ito ginagawa kahit ng mayayaman kaso medyo sosyal ang tawag imbis na tingi ehh Travel Pack di baaa taraaay sa mga airport kasi iba iba ang mga batas sa pagdadala ng mga gamit ehh lalo na sa mga liquid, halimbawa dapat 100mL lang maximum. Kaya mas ok gumamit ng tingi kung gagala para konti lang ang dadalhin yung sakto lang sa ilang araw.

Pero ok talaga ang tingi kapag yun lang ang kayang bilhin, wala ehh survival mode, Pinas yung hard mode na laro tapos ang item drop ehh -50%. Mismong gobyerno nga nagsasabi na kasya ang 18php kada tao sa isang kainan pag mataas dyan ehh di ka mahirap. Ano yung 18php? Siomai rice? Itlog Kanin? Chichirya Rice?

Mahirap talaga mabuhay sa tingi kung sapat lang lagi, ok na din kasi minsan mas nacocontrol ang pagbili kung tingi lang eh. Di ko alam kung sa Pinas lang merong 1 day – 1 week Spotify subscription, sa akin goods ito pag alam kong bbyahe ako or mag-ttravel kesa mag subscribe ako monthly ehh di rin naman ginagamit palagi.

Ito pa isa kung di pwede tingi: Mas ok ba pag Installment?

The Bad Side

bad effects of shrinkflation and tingi culture
i feel so attacked

Unang naiisip eh yung savings, lagi na nating naririnig na mas mura kapag bultuhan. Tama naman ehh sa wala talagang pambili ihhh : (

Lalo na sa mga pang araw araw na gamit gaya ng shampoo, dishwashing, hanggang sa kape at gatas. Ang laki din ng natitipid nasa 10 – 60 siguro kapag bultuhan o savers pack madalas ay may mga free pa. Kaya talagang yumayaman ang mayayaman ehh tapos may access pa sa mga wholesale stores… sana all member at may pambili sa S&R at Landers.

Hirap pa pag-emergency, nagmamadali ka na dahil late na pagpasok sa banyo wala na palang shampoo gg nanaman sir papasok nanamang di nakapag-shampoo. Pati sa pagluluto, kaya kung ano anong naiimbento ng mga Pinoy na ulam eh kapag naubos kung ano nakita na pwedeng alternative ilalagay eh. Sad pa yung mga nagmomotor na sakto lang yung pang-gas na tyempo pa na ginagawa kalsada kailangan umikot ng malayo ehh sakto lang ang gasolina, tulak na lang sir iwas huli pa : (

Tingi mentality, kapag nasanay na lagi sa maliliit na pakete nadadala ito gang paglaki eh  parang yung commercial na “bulilit bulilit sanay sa maliit”. Pag ok na sa ganun ang laking epekto sa financial decisions pag lumaki, kahit kaya naman pipiliin pa din yung tingi dahil ayon ang nakasanayan. Lumalaking nakakahon ang isip sa tingi, pinakamura, o basta kasya sa budget parang ok naman kung survival mode pero pangit sa layp : (


Nagawa ko tong post na ito dahil sa pag ggrocery hahaha, grabe na ang presyo ng mga bilihin 8k ngayon di na nakakapuno ng cart. Kaya mapapaisip ka talaga kung ano kukunin sa shelves ehh tingi ba o bultuhan.

Thankful pa din kahit papaano kasi may choice kaya saludo sa mga nabubuhay araw araw na walang choice kung di tingi. Kaya yan alawit lang <3

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply