Lahat na lang talaga mapapa-sana all kapag tumama ng jackpot sa lotto pero baka manlumo ka kapag nalaman mong may jackpot winner na naubos ang pera at nagkautang pa pagkatapos ng tatlong buwan. Sad wala akong makitang legit na statistics kung ilan bang lotto winners ang nauubos ang napanalunan o nag declare ng bankruptcy sa Pinas.

Dito na lang tayo sa mga buhay na ebidensya, panoorin mo muna ito kung di mo pa alam ang kwento ni Donnie:
Ano napa-sana all ka pa rin ba? Isa lang ito sa mga kwento ng mga kababayan nating nanalo ng malalaking halaga di lang sa lotto pati na rin sa mga contest at career. Sample yung mga naging sikat na artista na naghirap, mga one day millionaire na malakas gumastos at iba pa.
Paano nauubos ng ganung kabilis?
- Sugal – parang di na ata ito dapat pang i-explain ahhaha. Sa kwento ni Donnie mukhang dito mas naubos ang pera nya, mahirap labanan ang adiksyon : ( Kahit hindi naman tumama sa lotto dami pa ding nasisirang buhay dito. Feeling ko di na kasi iniisip dito ang pera mas nanigngibabaw ang emosyon habang nagsusugal.
- Bumili ng di naman kailangan, o sobra sa kailangan – Wala naman masama kung gagastos tayo lalo na kung may pera, pero ito ang ikanakasunog ng kayamanan kapag sumobra. Sample, bumili ng malaking bahay yup afford naman kapatid kahit milyon pa yan, tumama ka sa lotto eh pero kumusta maintenance at bills? Kaya bang i-maintain? Eto pa ok lang din mamasyal o kumain ng masarap pero kung aaraw arawin kasi may mahuhugot na pera deadly yan kapatid.
- Balato, pakain, at painom – Pag may pera maraming kaibigan, well baka maraming umaaligid dee jk lang hahaha. Maaring maliit na halaga lang ito pero pag palagian o halos araw arawin ang pag-celebrate ehh di na normal.
- Bisyo – pag mas yumaman mas mahal ang bisyo, hiniwalay ko pa sa sugal kasi sa sugal may chance pa bumalik pera eh, dito dead end na talaga, pero same lang naman sila na nagsusunog lang ng pera. Di naman lahat ng tao malala ang bisyo pero nomal sa pinoy lalo na pag nakahawak ng malaking pera.
- Maling Investment – Ito yung nakakapanlumo sa lahat kasi maganda naman yung intensyon para kumita yung pera pero dahil sa maling investment mas nauubos ang kayamanan. Pinakamagandang halimbawa ay yung pag bili ng napakaraming lupain tas wala naman pagagamitan, ehhh di ba asset naman yun, truee naman kasi may value ang lupa pero ang maintenance? Buwis? kung napinsala pa ng bagyo o lindol? Eto pa ang isa, ‘investment scams‘, may mga lotto winners o pati na din OFW na malakas kumita ang nadadagit ng ganitong mga scams. Ang gagawin eh sa umpisa bibigyan pa ng kita pero pag naglaon ayy paktay na tinangay na ang lahat. Laging target dito yung mga biglang yaman kasi madalas di pa maalam sa financial management o kulang pa sa financial literacy kaya mas gullible o mabilis ma-uto.

Ilan lamang yan sa mga dahilan bat nalulugmok pa din sa kahirapan ang ilan sa mga lotto winners pati na rin yung mga malalakas kumita. Uulitin ko mga mamser, walang masamang mag enjoy pero kung uubusin ang biyaya tas sa dulo naging kawawa di na ok yorn kapatid.
Ehh paano ba dapat? Eto mga suggestion lamang at hindi financial advice.
Paano hindi maubos ng mabilis?
- Insurance – kumuha ka ng insurance pero pumili ng pinakamagandang insurance na babagay sa’yo. Bakit need ito? Dahil kung marami kang pera may EF/Savings ka na agad, next is protection para di masunog ang savings kapag nagka-emergency. Sample na lang ulit sa kwento ni Donnie, nagkasakit sa puso kailangan operahan 300k agad yon kaya kung kaya pa kumuha na agad.
- Invest with goals – kung bibili ka na lang din ng mga lupain hanapan na natin ng purpose, madalas ehh ang mga lupa ay ginagawang income generating asset. Kung may lupa pwedeng paupahan, gawing farm o iba pa na makakapagdala ng pera pabalik. Huwag na huwag i-tengga ang ganitong mga asset, depende na lang kung i-flip mo din agad o ibenta, buy-and-sell ng lupa.
- Set aside for the future – in short wag gumastos ngayon kung alam mong may mas importante sa hinaharap, sample kung may anak na mag-college sa hinaharap bakit di ilagay sa conservative investments na may modest returns. Lagi din magtabi para sa di inaasahang pangyayari build your emergency fund.
- Mag-aral – di naman need na kumuha ng degree, iba pa din talaga ang may alam. Sample kahit financial literacy lang na short course sa daming pera, oras na lang halos iinvest mo sa ganito. Ano naman makukuha dito? Hindi ka madaling magogoyo o scam at mas mapapaganda mo ang pag handle ng pera. Mas marami pang oportunidad na magbubukas sayo. Gusto mo payapang buhay sa probinsya? Pwede kang mag aral ng agriculture o farming. Mas masarap gumastos pag kontrolado mo ang pera, hindi ang pera ang kumokontrol sayo.

Mas masarap gumastos pag kontrolado mo ang pera, hindi ang pera ang kumokontrol sayo.
Inulit ko lang maganda pa lang pang-quotes
Isa talaga ito sa problema sa Pinas, kulang talaga sa financial literacy ang karamihan sa mga pinoy. Oo, wala namang masama kasi pera naman nila yon pero kung sosobra at makaka-apekto na sa iba gaya ng sa kwento ni Donnie, yung pagpigil ng pamilya nya sa bisyo nya maling mali na yorn kapatid.
Di ka nanalo sa lotto? Ipon muna tayo kapatid.
Ikaw paano mo gagastusin ang jackpot sa lotto? Comment mo na sa ibaba.