Kakainin ka ng Inflation, Rawr!

RAAWWRRR!!! Parang sa horror movie lang pero sa totoo lang mas nakakatakot pa ito kesa sa multo. Lahat kasi apektado dito, positive sa iilan … negative sa marami lalo na kung walang panlaban o proteksyon aanayin ng inflation ang pera, kinakain rawr… di nga lang literal. Ito yung tema sa horror na “you can run but you can’t hide”  o parang si Thanos na di naman talaga masama, di sya dibel, pero “I am … inevitable”.

Inflation affecting purchasing power in Philippines
awit namarn phug ganyan

Bakit nakakatakot? Kasi kalaban ito ng savings, isipin mo mamser nag-iipon ka para sa future pero isang snap lang ng inflation pag tinoyo (hyperinflation) kayang gawing 50% ang value ng pera, yung 1M na ipon 1M pa din naman pero kung dati nakakabili ng bahay at lupa na maganda ngayon baka lupa na lang, katakot 10 taon inipon pero saglit lang bumaba na agad ang value.

Ang ba ang Inflation?

Inflation and Prices
hindi ibig sabihin na porket mababa ang presyo eh maganda na dati… wala lang share lang

Simulan natin sa mga kwento ng mga lolo’t lola, “dati nga eh singko lang soft drinks at tinapay busog ka na” etoo pa “sweldo ko 100 lang noon, nakakagimik pa ako after shift”  sana all, bakit hindi na ngayon? Ang sagot chaaraaan “INFLATION”

Ito ang nagpapababa ng purchasing power ng pera o value ng pera natin dahil sa pag taas ng presyo ng bilihin, yung bente 20 years ago na nakakabili ng isang kilong bigas ngayon kalahating kilo na lang pangit pa quality charooot.

Kaya totoo lahat ng kwento ng lolo’t lola di yon kwentong barbero, pero ang mahalaga eh maintindihan na normal ang inflation kasama ito sa buhay para mapaghandaan ang hinaharap.

Philippines inflation rate from 2018 - 2022
Data from BSP (source: bsp.gov.ph)

Normal ba ang Inflation?

Sabi natin kanina para syang si Thanos, di naman talaga masama hindi rin mabuti. Sa isang maganda at progresibong ekonomiya normal ang inflation (source: Poole College of Management News). Kapag maraming mga transaction sa isang lugar ehh nagkakaroon ng pera ang mga tao, pag marami ng pera nagkakaroon ng purchasing power at nag-trigger ng pagtaas ng demand.

Sample sa mga yumayamang bansa, dati konti lang ang may afford ng disenteng bahay pero dahil nagkaroon ng stable na trabaho ang mga tao tapos maganda pa ang sweldo lahat halos ehh gusto ng sariling bahay. Di lang basta gusto ahhh may kakayanan pang bumili kaya sabi sa law of supply and demand:

“If the supply stays the same and demand increases, the price will go up.”

Sample lang yan sa bahay ehh pano pa kaya sa lahat ng bagay? Oo mamser sa lahat: bigas, karne, gulay, gasolina, kuryente, at iba pa.

Pag dumadami ang pera sa ekonomiya mas tumataas ang spending o pagbili ng mga tao kaya tumataas ang presyo.

Paano nagkakaroon ng Inflation?

Effects of Inflation
lahat talaga nagbabago huuhhuuhhu

Maraming dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga bagay bagay, hindi naman laging dahil lang sa pagtaas ng demand o pagbaba ng supply. Ito yung madalas na dahilan ng inflation:

  • Pagtaas ng Production Costs – lagi na lang natin naririnig sa balita na kapag tumaas ang presyo ng gasolina at kuryente ehh sure na sure na magtataasan ng presyo ang mga produkto at serbisyo. Kasi yan ang pangunahing kailangan, eto sample: mahal ang gasolina/diesel edi magmamahal and cost ng paghahatid ng produkto sa palengke ang ending ipapasa lahat yan sa mamimili. Kahit pa-piso piso ang pagtaas pero sa lahat naman ng bagay ehh yan na ang inflation. Ito na yung tinatawag nilang cost-push inflation.
  • Pagtaas ng Demand – ito na yung sinasabi natin kanina yung supply at demand. Nagkakaroon ng demand kapag gusto at may pambili ang mga tao. Di pwedeng gusto lang tas wala namang pambili (shaket naman i feel attacked) di maituturing na demand yun. Sample masarap yung bigas kahit presyuhan pa yan ng 100php per kilo may papatos nyan maraming may pera ehh kahit gawin pang 150php per kilo meron pa din bibili basta may pera ang tao tapos kasi limited pa yung supply.
  • Government Policy – Kung naghihirap ang mga tao, bat di na lang magprint ng maraming pera tapos ipamigay? Isa sa mga polisiya ng gobyerno ehh limitahan o balansihin ang pera na umiikot kasi pag dumami ang pera tataas ang demand. Isa pa ang ang mga polisiya sa Tax at Interest rates, malaking epekto nito sa mga presyo ng bilihin kapag sobrang mababa ang tax at interest sa mga utang edi mababa ang presyo at may pambili kaa pwedeng mag-trigger ng inflation. Ganun din pag mataas naman masyado ang tax at interest mataas na ang presyo tataas ang production cost.

Bakit Bad ang Inflation?

Lahat ng sobra masama dapat yung sakto lang. Ang nangyayari kasi sa ibang bansa gaya ng Venezuela, Argentina, maging ang USA noong simula ng pandemya ay nagprint sila ng napakaraming pera. Sobrang daming pera na hindi normal na ginagawa ng Central Banks.

Ang nangyayari dumadami ang pera sa sirkulasyon at hindi na ma-control ng gobyerno, ayuun boooom inflation ang mas matindi hyperinflation.

Ang hyperinflation ay ang labis na inflation na hindi na ma-control, kaya ang nangyayari sobrang pagtaas ng mga bilihin. Eto sample, kung ang saging ngayon ay 10 pesos kapag may hyperinflation baka bukas 100 pesos na ang saging.

Madalas makikita natin sa press release ng Bangko Sentral o ng NEDA yung kanilang mga inflation target (mga nasa 3%-4%), ok lang yan kung tumataas naman ang sahod ng mga tao sa ganyang rate o mas mataas. Pero sad hindi lalo na ang mga minimum wage earners.

Bad kasi tumataas ang presyo ng mga bilihin pero ang sahod hindi.

Paano nilalabanan ang Inflation?

Cash assistance as anti-inflation measure
short term solution pero ang laking impact

Pag sumosobra ang actual inflation kesa sa target inflation, gagawa madalas ng hakbang ang gobyerno para hindi lumala at gumuho ang bansa. Ano ba ginagawa ng gobyerno? Taga-balance kasi hindi nila pwedeng pigilan ang inflation dahil para na din nilang ini-staph taph taph ang ekonomiya ng bansa.

  • Pagtaas ng Interest Rates – bukod kasi sa pera, nakakabili din ng produkto at serbisyo ang mga loans o utang. Pag tinaasan ang interest mas kakaunti ang uutang, kakaunti ang bibili bababa ang demand. Pag mababa ang demand bababa ang presyo pag walang paggalaw sa supply. Ganun din sa savings pinapataas din yung interest para mas maraming mag-ipon para di na lalabas ang pera at bumaba umiikot na pera.
  • Pagbagal ng Progreso – madalas sinusukat ang progreso ng isang bansa sa mga pasilidad nito kalsada, tulay, buildings at iba pa. Pero dahil sa inflation madalas ginagawa ng gobyerno nilalagay ang malaking budget para sa basic needs o social services gaya ng edukasyon, medical, at food security. Kaya mas kakaunti ang mga nailalagay sa mga infrastructure projects na malaking maitutulong sa paglago ng ekonomiya.
  • Tax tax tax – para bumaba ang spending o yung demand ng mga tao, di masaya bumili pag mataas presyo dahil sa mga tax na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo.

Ikaw mamser, paano ba natin malalabanan ang inflation? Wag mong labanan at iyong samahan char lang… lalo na sa Pilipinas na hindi kagandahan ang mga pangunahing serbisyo.

  • Taasan ang Income – yun lang talaga ehh kung ayaw natin magbago ang ating lifestyle edi taasan ang income. Pataasin ang sweldo o maghanap ng sideline para pandagdag income.
  • High Interest Savings – kung merong pera na nakatago sa bangko, mas ok kung ilalagay sa high interest savings. Madalas ito yung mga digital banks gaya ng CIMB, ING, KOMO, SeaBank, Maya at iba pa.
  • Ready sa Emergency – di man laging napaguusapan kontra inflation pero maganda na laging ready sa emergency gaya ng pagkakaroon ng emergency fund, insurance, HMO at mga plans.

balancing the economy's progress and inflation
need talaga balanse walang labis walang kulang

Parang alak lang ang inflation hindi masama kung in moderation… anu daw??? Basta yung sakto lang wag lang sobra. Pero ang mahalaga alam natin na natural na nangyayari ang inflation na merong anay na di nakikita na nagbababa ng purchasing power ng pera natin.

Ito siguro yung isa sa mga bagay na dapat itinuturo sa school na hindi lang basta nasa libro, kung baga dapat real life examples para makapag-prepare sa future.

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply