Kailangan pa din laging may Cash

Cash is King pa din ba ngayong nauuso na ang online payments? Dati swipe swipe ng card ang uso tapos ngayon scan scan na lang ng QR code. Sobrang easy na lang bumili ng kahit ano at kahit saan, yung ngang sari-sari store tumatanggap na din ng online payment eh.

Cash is still king in Philippine Economy
sanaaa alll maraming peraaaaa

53% ng mga Adult Pinoy ang may mga e-wallet account noong 2021 sabi ng Bangko Sentral partida isa pa sa challenges ehh ang mabagal na internet minsan wala pang signal sa malalayong lugar pero ang lakas pa din ng adoption from cash to e-payments. (source: PNA).

Tapos ang lakas pa ng push dahil sa pandemya na lahat ng tao nasa bahay, hindi maka-withdraw, hindi makalabas para bumili lahat online.

Kung kaya naman pala ng ganun ehh need pa ba ng cash sa bulsa?

OO naman!!! Mahalaga na laging dapat may madudukot sa bulsa na cash o sa bahay na ikaw lang may alam … lagayan ng damit? hmmmm sa ilalim ng paso? hmmmmm sa likod ng phone sa case??? Yiee may sikreto syang taguan <3

kala mo safe ahhh

Sinulat ko to nung nagsimula yung giyera sa Ukraine at Russia, grabe iba talaga pag ganun na ang nangyayari. Madaming tao ang lumikas sa ibang bansa na konti lang ang dala nila, dun naman sa mga nanatili halos walang bukas na bangko o negosyo dahil naging warzone.

Ok lang ahh kung yung emergency fund ehh nasa savings account walang problema don mamser. Gusto ko lang ipaliwanag kung bakit need ng perang nakaipit na madaling makuha.

Related Article: Emergency Fund 101

Mahalaga ang Cash On Hand

Cash is valuable during emergency situations
sa panahon ng emergency, GG pag walang access sa bangko o e-wallet

Emergency ayun lang naman naiisip ko ngayon, comment pa kayoooo bakit need bukod sa emergency.

Yung nangyari sa Ukraine ehh nangyayari din naman sa Pinas di nga lang giyera, puro natural disasters nga lang gaya ng bagyo (20-30 isang taon) at lindol.

Sa ganitong pangyayari madalas walang naitatabing cash, grabe ang pila sa bangko (kung bukas) at pila sa atm (kung may kuryente) sobrang haba para lang makakuha ng cash.

May e-wallet pero paano pag walang signal  o  internet? Hirap kumilos lalo na pag essential ang kailangang bilin gaya ng gamot : ( sa panahon ng emergency.

Sobrang liquid kasi ng cash on hand talo pa ang H2O sa pagiging liquid, ehh cash na yun eh unless ibang currency yan need pa ng money changer. Ibig sabihin pwede na agad makipagpalitan ng mukha este palitan ng produkto o serbisyo. Sample may ginto ka, may value naman yan pero di yan tatanggapin sa grocery na pambayad.

Cash is King?

Smooth transaction via cash
ito yung kaliwaan na walang 3rd party

Tinatanggap ng Lahat – ito talaga ang best sa cash halos walang negosyong aayaw sa cash, except kung online lang talaga. Hindi mahirap makipag transaksyon sa cash, hindi need ng smartphone, hindi need ng internet, kaliwaan lang goodies naa.

Walang Fees – lam mo bakit gusto ito ng mga negosyo lalo na yung maliliit na mga stores? Kasi kapag walang fee sa buyer sure na sure may porsyento yung payment service provider sa seller. Para naman sa ating mga buyers, tipid na din ng 15-25 pesos lalo na kung may bank transfer pa.

Swabe at walang Security Risk – madali lang din naman mag transact ng cashless, ehh pano kung down yung system? GG na agad, pag cash kahit down pa Bangko Sentral goodies na goodies yan. Isa pa yung personal information pwedeng ma-leak at yung card details eh pwedeng makuha ng iba at magamit di kagaya ng cash di mo naman picture andun.

Mas makakatipid at sunod sa Budget – lam mo ba teknik pag bibili ka ng appliances? Sabihin mo lang “paano pag cash?” o “magkano discount sa cash payment?” madalas pa sa itim na uwak ehh may discount yan. Di lang basta tipid mamser, mas may clinginess kasi tayo pagnahahawakan kesa sa virtual di ramdam pag nawala na, kaya mas mahirap gumastos.

Incognito Mode – di ko na talaga ito idadagdag pero…. Basta kung ayaw mo ma-track mga binibili mo… kung ayaw mo ipakita kay misis o kay mister, ingat lang sa resibo hehehehe.

Magkano ba dapat ang cash on hand?

Cash on Hand
di naman kelangan marami sapat lang pang safety

Depende sayo pwede kasi itong maging parte ng emergency fund, di naman need na malaki lalo na pangit ang mag impok ng malaking halaga ng pera sa bahay. Dapat yung sapat lang tsaka yung pwedeng kalimutan hahahaha.

Sample, magtago ka sa damitan o if may vault (abaaa iba din) ng 5k php, atleast alam na kapag bumagyo di na need mag antay ng relief goods makakabili agad ng pangunahing pangangailangan sapat hanggang maging operational ang mga bangko.

Marami sa atin dinadaan ito sa ginto at jewelry, kasi tumataas ang value, tama naman don kapatid if ito yung investment na gusto mo pero tandaan ang ginto at alahas eh non-liquid asset hindi agad agad nagagawang cash lalo na sa panahon ng emergency.

Bawal din mag-hoard ng maraming cash at coins ahhh, correct nyoo ako sa comments if may batas na bang nagbabawal, pero lam ko parang wala pa ata habang sinusulat ko ito. Masama kasi sa ekonomiya kasi walang umiikot na pera dahil don need ng Bangko Sentral na map-produce na naman ng cash ng wala sa oras.

Kung 5k, 10k, o 20k depende sa pangangailangan lalo na kung may maintenance na gamot na need agad pag emergency. Ok din maglagay ng kahit 500 o 1k sa wallet pang-extra, o kaya sa bag o sapatos. Maraming gumagawa neto ehh yung mga takot ma-holdap at snatch laging may tabing pera na nakatago.


Sa progreso ng Pilipinas sa cashless payment mukhang ito na talaga ang new normal, pero sana wag kalimutan ang pros at cons lalo na pag may di inaasahang pangyayari

Wala naman may gusto ng giyera o anumang sakuna pero mabuti na laging handa di baa… proactive pa din dapat, hirap kapag need dun lang kikilos ehh pano kung walang bangko? walang ATM? walang kuryente at internet?

Ikaw san mo tinatago ang emergency cash mo? Joke laang hahahah comment ka naman dyan ohhh….. Or like mo na lang facebook page ng magipon <3

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply