Ipon Challenge to Ipon Habit

Nauuso nanaman ang mga ipon challenge ngayon sa social media dahil na din sa mga success stories pero madami din sa simula pa lang di na naitutuloy dahil nakalimutan, nawalan ng pera, o hindi disiplinadong pag-iipon. Tara check natin ang ipon challenge kung maganda ba talaga.

Ipon Challenge

Madami tayong nakikitang mga ipon challenge sa Facebook, Twitter, Tiktok at iba pang social media sites. Maganda ba itong ipon challenge na ito? Oo naman kapatid lalo na sa mga nagsisimula pa lang mag-ipon, hahahahašŸ¤£ naalala ko pa yung pag-iipon sa lalagyan ng pulbos ā€œhulog sa umaga, withdraw sa haponā€ dati noong bata pa. Ayon ang maganda sa ipon challenge nagkakaroon ng disiplina, lalo na pag-regular ng nagagawa na parang parte na ng buhay ang pagtatabi ng pera at hindi agad pag-gasta.

Hulog sa Umaga, Withdraw sa Hapon

Pambansang Alkansya since the 90’s

Wala naman yan sa laki o dalas ng pag-iipon, pinakamagandang nakukuha sa ipon challenge na ito yung habit o pag-uugali na mag-ipon, parang bonus na lang talaga sa dulo ng challenge yung makukuhang pera. Iba iba naman yung mga ipon challenge depende yan sa goals mo at kakayanang makapag-ipon. Ok lang yan kahit 10php daily, 100php weekly, o kahit 1000php monthly kung ano lang yung kaya na hindi magigipit ang budget sa ibang needs.

Ito yung sample ko na ipon challenge last 2021, sa Pagibig Mp2 ko hinuhulog dahil mas mataas ang interest. Yung ipon goals ko naman dito ay pang mid-term para sa milestone sa buhay hehehe.

Ipon Challege 2021 sa Pagibig Mp2

52 Week Ipon Challenge

Ito ang isa sa pinakasikat na ipon challenge ngayon sa pinas, ang ginagawa dito every week ay naghuhulog ka depende kung magkano yung nasa budget mo. Ang maganda dito sa challenge na ito ay yung frequency ng ipon, talagang masusubukan ang disiplina ng nag-iipon. Pwede mong gawing goal ito every week, kung ikaw ay nagtatrabaho na o estudyante pa lang, yung baon o budget mong pera kada linggo na may maitatabi na konting pera para sa ipon. Sample, kung mag-starbucks mag-3in1 na lang muna para makatipid, o iwas iwas muna sa pagbudol online. Kaya challenge talaga ang pag-iipon lalo na kung gipit sa budget pero pagnakasanayan na at natapos ang ipon challenge ay super worth it.

Ito na ang sample kung magkano ang ma-iipon pagkatapos ng 52 week ipon challenge, samahan ko na din ng kung sa bangko mag-iipon ng pera.

Amount per Week52 weeksAlkansyaTraditional Savings Account (0.05%)High Interest Savings Account (3%)
201040104010411056
502600260026012640
1005200520052015280
50026000260002600726401
100052000520005201352802
Sample Ipon Challenge Goal

Ayan ang sample na ma-iipon mo kapag ginawa mo yung ipon challenge, malaki man o maliit goods pa din ang na-iipon dito kahit pa etneb etneb pa yan. Kung ikaw ang papipiliin san mo gugustuhin mag-ipon? Ang problema kasi sa alkansya ay maaring masira yung pera, baka anayin o mabasa, pahirapan pa palitan. Ang kinaganda naman sa high interest savings ay maaring tumubo pa yung pera kaya isa ito sa mga da best na paglagyan ng Emergency Fund.

Uyy wag ka ma-limit dito sa 52 week ipon challenge lalo na pag ikaw ay may pinaghahandaang pagkakagastusan. Pinakamaganda talaga ang ipon pagswak na swak sa pangangailangan at sa goals sa buhay. Isa pa sa gusto ko yung tipid challenge, ito yung kung magkano lang yung natitipid mo per month automatic mapupunta na agad sa savings. Sample, kung ang gastos mo sa tubig at kuryente ehh nasa 5k per month pero dahil nagtitipid ka naging 4.5k na lang yung 500 matic na ipon na. Bakit maganda yung ganito? Kasi di affected yung pinakabudget mo dahil di rin naman lumalaki ang sweldo o income, marami kasing financial experts na nilalagay sa expenses ang savings o basta kahit na anong lumalabas sa bulsa na di pwedeng gastusin.

Ipon Challenge Tips

Napakahirap talagang mag-ipon kapag walang ma-iipon : ( kaya ito ang ilan sa mga tips para mas matagumpay na magawa ang ipon challenge.

  • Magtipid – Ito talaga ang challenge lalo na sa mga kulang sa budget, sa mga sanay ng mag-ipon ang ginagawa nila ay income – savings = expenses pero para sa karamihang nasa laylayan ehh kailangan mauna ang expenses dahil puro pangangailangan ito madalas kulang pa ang sweldo. Kaya kung gusto maka-ipon kailangan talagang magtipid para di naapektuhan ang budget.
  • Auto-Transfer/Deposit – Ito naman para sa mga makakalimutin, isa sa natututunan sa ipon challenge ehh yung disiplina pero kung pwede naman gawing automatic gaya ng pag auto-deposit sa savings account, sa GCash may ganitong feature para sa GSave na pwedeng i-set ang araw kung kailan mag-deposit. Lagi nga lang kailanganin na siguradong may laman ang account para di mahirapan.
  • Calendar Notifications & Ipon Review – Ang ipon challenge kasi ay madalas na buong taon ginagawa kaya maganda na may regular na review na ginagawa pwedeng monthly o quarterly para lang makita kung on-track pa ba, may na miss na hulog, o need mag adjust ng ipon dahil may nangyari na naka-apekto sa budget. Kaya maganda mag set ng calendar notifications din para paalala kung need maghulog o need mag-review ng ipon.
  • Increase Income – Para ito sa mga nahihirapan sa budget dahil kulang na kulang ang budget para makapag-ipon. Pwedeng mag-sideline o mag buy and sell, ilan lamang iyan sa mga paraan para madagdagan ang income. Check mo to kung gusto mo makaipon ng 100k ng mabilis.

Maaring hindi masaya yung proseso ng pag-iipon dahil hindi agad agad mararamdaman ang resulta, marami kasi ang mahilig sa instant yung tipong nakaka-isang hulog pa lang eh ini-imagine na agad yung mga mabibili at di iniisip na matagal pa bago mangyari iyon. Wala naman masama don yun lang minsan nakakalimutan na ang pag-iipon.

Mas wais sa pera, stonks up sa savings
Mas wais sa pera, stonks up sa savings

Bakit maraming Pinoy ang di nagagawa ang Ipon Challenge?

Marami kasi sa atin ang hindi naniniwala sa delayed gratification o yung kaya mong alisin sa isip mo ang instant gains at naniniwala ka na mas ok na dahan dahan pero worth it ang lahat sa dulo. Ako mismo naniniwala na maraming successful na tao ang may ganitong mindset o abilidad dahil karamihan sa mga mayayaman di naman nanalo sa lotto, halos lahat sila dahan dahang yumaman.

Yan ang nagagawa ng ipon challenge yung matuto ng payaman mentality: Disiplina at Delayed Gratification. Para sa akin itong dalawa yung nagbibigay ng solid na solid na foundation sa pagyaman bago pa pasukin yung mga business o iba pang investment.

Mahirap bang yumaman? Oo naman di lang naman sa pera ang usapan, sa dami ng nanalo sa lotto ng maraming pera naghihirap pa din sa dulo o malaking sweldo pero laging kulang.

Ikaw kumusta ang ipon mo? Share mo na sa comments sa ibaba <3

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply