Hindi na bagong tugtugin ang mga scammaz sa Pinas, nagbabago bago lang talaga ng anyo ang mga investment scams. Lahat naman siguro tayo gusto natin kumita ng pera lalo na yung wala masyadong effort sabi nga ng iba “Work for money then let the money work for you” ito yung mga investment na nakakasilaw at may mga pangakong kikita ng limpak limpak na salapi, sana all 🥺.

Sikat na Investment Scams sa Pinas
🚩Tubong Lugaw Scams

“Small Capital, Large Returns” dito madalas napapakinang ng mga scammers ang mga mata ng karamihan sa ating mga kababayan, pampakilig yung mga projected returns na aabot sa 20%-50% na tubo sa loob lang ng maikling panahon. Ito pa matindi meron pang umabot ng 100% interest sa loob ng 25 – 30 days. Sino ba namang hindi mahuhumaling ehh wala ka ng gagawin kung hindi mag-invest ng pera at kusang babalik.
Mas nakakahikayat sila kapag may mga success stories, yung mga taong nagpapakita na maraming hawak na pera. Ginagawa nila ito para makahikayat pa ng mga investor o maloloko, magpapangako sila ng sobrang laking kita madalas ehh sa umpisa lang makakakuha pero pagdating ng panahon ehh mawawala na lang ng parang bula.
Hindi rin sila transparent kung ano ba ang negosyo o ano na ba ang pinagkakakitaan, puro lang marketing ads na maraming pera silang hawak. Madalas pa eh hinahamak ang mga masisipag na empleyado (lalo na mga underpaid sad but trueee 😭) para ma trigger ang emosyon at di makapag desisyon ng maayos.
Red Flag: Sobrang laking tubo ng walang malinaw na negosyo o pagkakakitaan.
🚩Online Scams

Lumalakas na ang Online o Internet Economy, kung saan ang bentahan o transaksyon ng mga produkto o serbisyo ay nagaganap sa internet, ay sinasabayan din ng mga scammers. Marami kasi ng mga success stories gaya na lang ng pinakamayayaman sa mundo: Bill Gates, Elon Musk, at Jeff Bezos ay may kinalaman ang yaman sa internet. Kaya naman maraming gustong mag-invest online at ito naman ang sinasamantala ng scammers.
Ang ginagawa na nila ay pinapakumplikado ang bagay bagay lalo na yung mga may kinalaman sa negosyo, gumagamit ng kung ano anong salita para mag mukhang lehitimo at gumagamit ng mga totoong negosyo o investment para sa marketing para i-cover ang illegal na scam.
Sample magpapakita na hawak ni Manny Villar yung isang produkto tas sasabihin investor din si Villar “Kung si Manny Villar nga nag iinvest dito ikaw pa kaya” di ba may kasama pang guilt trip. Nakoo nakooo, ito pa madalas magpapakita pa yan ng mga news galing sa reputable news agencies gaya ng ABS-CBN, GMA, TV5, at CNN tungkol sa Crypto, Stocks, Ecommerce at iba pang legal na pagkakakitaan online para sabihing ganun din ang negosyo nila pero sa totoo lang nakikisakay lang naman sila lalo sa hype : ( hype kasi sila.
Ito madalas yung mga fly by night na nga kumpanya kaya online kasi mahirap mahuli madaling magtago at gumawa ng panibagong scam gaya ng mga Agri-Scams na mag-iinvest ka online tapos sila ang magtatanim o mag-aalaga ng mga hayop para ibenta tapos babalik na sayo ang kita.
Red Flag: Lahat Online: walang opisina, walang landline, walang resibo, walang permit
🚩Recruit Scams (Pyramid Scams)

Ito yung madalas nagiging kulto ehh yung mga members G na G lagi sa pag-promote at madalas ehh hinihiya pa yung mga marangal na nagtatrabaho. Paano ba nagiging scam? Pag walang produkto o serbisyo na kayang ibalik yung investment at sa recruitment lang kumikita. Syempre sa umpisa sasabihin may produkto sample kape o pampaganda na kailangan ibenta sa tingin mo ba kayang saluhin ng pagbebenta yung pangakong kita? O profitable ba yung bentahan?
Sinabi na ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng DTI, walang masala sa MLM basta ang source of income ehh galing sa products or services, hindi sa pag-recruit. Kaya kapag sinabi na parte ng work o investment yung pag-recruit ehh GG na yorn kapatid.
Ito pa isa kapag may entrance fee sa pagsali, kala mo pupuntang resort jk hahah, para lang ma-avail kung ano mang benepisyo ang meron. Kaya mag-ingat frend, pag sinabi nila na ang profit nanggagaling sa distribution, recruitment, systems, o ano pa man na hindi produkto o serbisyo iwas na dyan kapatid.
Red Flag: Walang produkto o serbisyo, kung meron man ang main source ng income ay galing sa recruitment o distribution.
🚩Insurance Scams

Ito pa ang isang nakakagigil eh napakahalaga kasi ng insurance para sa isang tao. Isipin mo nagbabayad ka ng regular tas pag kailangan mo na ang sasabihin “pasensya ka na ha, godbless” di baa ang sarap magsalita ng masasamang words…. Ok game, hindi scam ang insurance ahhh isa tong proteksyon legit na legit at sa opinyon ko eh kailangan ng lahat. Kung legit naman pala ehh bakit nagiging scam? Ito na kasi ngayon ang ginagawa ng mga scammers, gumagamit sila ng mga legit na business para i-front para di na mahirap ang marketing kasi mapagkakatiwalaan na agad.
Related Article: Baka hindi para sayo ang VUL Insurance?
Ganito ang galawan nila, ang insurance kasi hindi basta basta nakukuha at yun ang gusto nila. Sample kung term insurance, kung di mamayapa o magkasakit edi walang mag-claim tsaka bilang lang sa daliri ang na-deds agad sa mundo after kumuha ng insurance.
Dito mahirap ma-spot kung legit kasi madalas may opisina, naka-formal, may pirma pirma ng mga documents at iba pang proseso. Pero ang totoo hindi registered sa gobyerno ang kumpanya nila. Kaya laging i-check ang insurance commission o SEC para sa mga legit na insurance.
Red Flag: Walang resibo, walang permit, wala sa listahan ng Insurance Commission o SEC

Ilan lang yan sa mga madalas na scam ngayon di ko na sinama yung Donation Drive Scam 🤮🤮🤮 nakakainis kasi ginagamit yung mga kalamidad pero nakakabwisit lang kaya nilagay ko na dito, hindi naman kasi investment yung donation. Kaya wag na wag ilalagay ng buo ang ipon o income agad agad.
Iwasan ang Scam!
Sa talino ng mga scammers ngayon, kayang kaya pa din silang maiwasan. Konting sipag lang sa pag-research at pagtatanong lalo na sa kinauukulan. Di na mahirap ngayong mag-legit check! Easy peasyy na lang pramis kapatid, kaya isapuso mo yung mga red flags sa itaas muna. Ito ang lan kung san ka pwedeng mag-legit check:
Securities and Exchange Commission (SEC)

image source: SEC Website
Sino ba sila? Basta may kinalaman sa paggawa ng korporasyon, investment, pagpapautang, o ano pa mang may kinalaman sa negosyong may kinalaman sa pera. Isipin mo na lang kapatid na ang mga religious groups gaya ng Catholic, Iglesia ni Cristo, at iba pa ay registered sa SEC kasi nagkakaroon sila ng pera in the form of donation tsaka wala silang tax. Ganun din sa lahat ng kumpanya na naghahanap ng investor dapat registered sa SEC at di lang basta basta registration ng yung nakalagay dapat allowed silang kumuha ng investment.
Tsaka lagi silang naglalabas ng announcement ng mga scammer na kumpanya, mga notice to the public at higit sa lahat mga investor education seminar. Check mo din yung paalala nila sa taas.
SEC Website: https://www.sec.gov.ph/
List of Registered Investment Companies: SEC List
Enforcement and Investor Protection Department: epd@sec.gov.ph
Department of Trade and Industry (DTI)

Dito naman basta may kinalaman sa consumer protection, DTI ang kasangga mo. Pano papasok ang DTI sa mga scammer? Yung mga nagbebenta ng mga produkto o serbisyo dapat registered sa DTI kaya red flag talaga pag walang DTI registration ang mga nagbebenta ng produkto.
Tsaka ang maganda pa sa kanila, basta may kinalaman sa pyramiding o chain distribution scam inaaksyunan nila.
DTI Website: https://www.dti.gov.ph/
Business Name Search: https://bnrs.dti.gov.ph/search
Hotline: 1-DTI (1-384)
Email: consumercare@dti.gov.ph
Insurance Commission

Dito naman pag may kinalaman sa insurance, pre-need, o HMO. Hindi kasi basta basta ang pagbebenta ng ganitong mga produkto kailangan ng registration at lisensya. Sample yung mga financial advisors ng mga reputable na mga insurance companies eh di yan pwedeng magbenta o mag-alok hanggat wala silang license galing sa Insurance Commission.
Nakakatulong sila sa pag-check kung legit ba yung kumpanya o hindi at madalas naglalabas din sila ng advisory gaya nito.
Insurance Commission Website: https://www.insurance.gov.ph/
Hotline: (632) 8-404-17-58
Report a Scam: reportscam@insurance.gov.ph
Paano kung Na-Scam na?

Kung saka sakali na ikaw na ay na-scam at kailangan mong humingi ng tulog, pwede lang humingi ng tulong dito:
CyberCrime Investigation and Coordinating Center (CICC)
National Bureau of Investigation
PNP Anti-CyberCrime Group
Kung hindi naman online ang naganap na pang-scam eh pwedeng dumulog at humingi ng payo ng mga abogado:
PAO Free Legal Assistance
Free Legal Assistance Group
Kaya bago mag-invest alamin muna kung legit ba o hindi dahil napakahabang proseso ang pagdadaanan para lang mabawi ang pinaghirapang pera. Ikaw may alam ka bang scam? Share mo na sa comments section sa ibaba para makatulong sa iba <3
Tandaan bago mag-invest mag-ipon muna <3 <3 <3