Kulang ang sweldo sa pang-araw araw at kailangan ng sideline? Sawang sawa na din ba mamser sa office setup kaya di bet ang side job o freelance office job.
Minsan sa buhay mas ok yung mas malaya tayong gawin ang gusto natin kahit na nakaka-stress at maraming di sigurado sa hinaharap. Yan ang hinahanap ng ibang corporate zombies? Slaves? Char not char.

Presenting….. Home-Based Negosyo
Ito yung kahit na anong negosyo na pwedeng pwede gawin kahit nasa bahay lang. Kaya goods na goods itong side hustle para sa mga work from home na mga empleyado na magkaroon ng negosyo sa bahay.
Bakit Home-Based Negosyo?
Hindi naman lahat ng tao pang corpo… oo kayang mag-work pero di lahat passion ang work. Kaya minsan hobby o mini-project ang pagnenegosyo para sa happiness charot… minsan need lang talaga ng environment kung saan makakapag-isip at magagawa ang gusto.
Pero marami sa mga kababayan natin need talaga ng sideline kasi kulang na kulang talaga.
Ano ba kinaganda ng Negosyo sa Bahay?
- Walang Upa: Less na agad ang cost tas comfy pa kasi sariling bahay at di na kailangan mag-commute. Yun nga lang eh kakain ng pwesto sa bahay at tataas ang utilities lalo na ng kuryente pero izz uki lang kung profitable naman ang negosyo.
- Ikaw ang Bossing: mas kontrolado ang mga nangyayari, oo pwede humingi ng tulong o advise pero iyong iyo ang mga desisyon.
- Flexible Hours: depende sa negosyo pero hawak mo yung oras kaya magandang sideline kung may main job. Basta di nakaka-apekto ng negatibo sa main source ng income.
- Happiness is Love: kung di mo naman 100% gusto ang corpo at napipilitan lang try mo magnegosyo ng passion baka dito ka pala nakatadhana. Iba yung happiness at fulfillment kapag nagagawa ang gusto at di nakatali sa isang bagay kasi no choice.
Ngayon pa lang may naiisip ka na… goods yan, check natin itong list.
Patok na Home-Based Negosyo
Online Selling

Ito yung isa sa best simulan sa bahay, whyyy??? Kasi hindi lahat ng bahay pare-parehas. Mahirap magtayo ng tindahan pag looban ang bahay, hindi kailangan ng mga equipment na mamahalin phone at internet lang pwede na. Pwedeng low-cost lang sa simula hanggang unti-unting lumaki ang negosyo.
Ang maganda kasi online bukod sa madali makapagsimula ehh malawak agad ang market o audience, di kagaya sa mga umaasa sa foot traffic o yung nakadepende sa dami ng tao sa isang lugar.
Kahit sa simpleng Facebook lang, post sa wall, share sa groups, gawa ng page para maging visible ay makikita din ng mga gustong bumili. At dahil nga ehh sa bahay lang at maliit ang cost pwede pang maging competitive ang presyuhan online.
Ito sample mga mamser lalo na mga OFW dyan, from 4k na puhunan tumatabo na ngayon ng 1M per month (source: Business News Philippines/i-Witness GMA 7). Nag start lang ng sideline, nagbebenta ng branded galing Japan sa Facebook ayuun may magandang bahay at mga sasakyan na.
Hanap lang talaga ng papatok online…. Kaya matindihang brainstorm ang kailangan para malaman ang pulso ng bayan.
E-Loading & Bills Payment

Ito pa isang magandang pagkakitaan kahit nasa bahay lang kasi lahat na ata may smartphone ngayon di kagaya dati konti lang ang may 3310. Lahat halos naka-Work from Home o nag-aaral sa bahay kaya need na need ang internet, calls at text.
Isa pa sa need na need at isang bagay na wala atang katapusan ehh ang pagbabayad ng utility bills Kuryente, Tubig, Internet (sama na natin Cable TV). Ang mga needs ng mga tao talaga maganda gawing business lalo na nung nag-pandemic na limitado lang ang pera ng mga tao.
So pano ba to sisimulan? Ok game mamser. May online E-Wallet ka ba gaya ng Gcash, Paymaya, o ShopeePay? Kasi di mo na need mag-avail pa ng mga online negosyo package na madami pang fees, dito libre lang ang paggawa ng accounts basta may phone at internet lang.
Ganito lang ang galawan, maraming promo yang mga e-wallet pagdating sa mga load 1% hanggang 90% off minsan lalo na sa ShopeePay kapag double double sale. Dahil di natin sure ang promo mas ok pa din patungan yung load ng 2-3 pesos per transaction para sa load at 15 pesos naman sa bills payment.
Sa 3000 na puhunan dito pwedeng kumita ng 1000 – 2000 pesos kada buwan habang nasa bahay lang, basta paikutin lang ng paikutin yung cash na nakukuha deposit agad sa e-wallet para umiikot ang pera.
Magandang Strategy Ito Para Makapagipon ng 100k ng Mabilis
Home Made Product

May ipinagmamalaki bang recipe ang pamilya ninyo? Baka konting branding at marketing lang ang need ng susunod na milyonaryo. Maraming malalaking negosyo ngayon na nagsimula lang sa bahay-bahay naglalako ng mga lutong ulam hanggang may pumatok na pagkain na tinuloy tuloy na nila. Check mo tong Calamares Sa Sta. Ana (source: TikimTV Youtube Channel).
Maganda ang ganitong home-based business lalo na kung matagal ng ginagawa ng pamilya dahil alam na kung paano gawin at madalas kumpleto na din sa gamit. Ang problemahin na lang ay mga packaging at paano i-market. Sample ulit yung dati mga nagtitinda ng bagoong sa palengke na takal takal lang…. Aba ang mura lang nyan… tapos yung iba tinimplahan lang ng pampaanghang tas nilagay sa bote…boommm… instant business na goodies, charot.
Madalas din kapag may sikat sa mga lugar nila gaya ng longganisa kinakabit nila yung produkto nila don, instant pogi points agad. Gawan lang ng magandang branding tapos i-post sa social media, kayang kayang gawin sa bahay. Tapos makipag-partner sa mga couriers (LBC, Lalamove, J&T) o mga food delivery services (Grab o FoodPanda).
Ito ulit sample, Ube halaya na kumikita ng 200k per month! Oo 200k month sa ube halaya! Galing sa chika ni Mareng Susan sa PeraParaan (source: PeraParaan FB Page). Talagang mapapa-sana all na lang tayo. Kaya kung may tinatagong secret recipe, hukayin na yan sa baul baka yan na ang magpapayaman sa iyo.
Service Based Business

Hula ko meron dyan sa lugar ninyo na pag sinabi yung pangalan alam na kung ano hinahanap (hindi yung good item ahh 😐 ). O laging merong marerekomenda na magaling o expert sa isang bagay.
Sample usong uso ngayon yung mga ukay pero madalas may problema kapag maganda yung damit di naman maganda yung fit kaya laging takbuhan ay yung mga sastre at modista sa mga bahay bahay. Ito yung ginagawang home-based negosyo ng ilang mananahi, hindi na sila gumagawa ng damit nag-focus na lang sa repair at adjustments dahil sa demand.
Kung sisingil sila ng 30-60 pesos kada damit na i-aadjust nila sa 10 na damit sa isang araw pwede silang kumita ng 300 hanggang 600 pesos kada araw… not bad .. not bad.
Pano pa yung iba? Magaling magkalikot ng mga appliances at gadgets? Pwedeng pwede din yang mga repair shops sa bahay. Galingan lang ang paggawa para kumalat na may magaling na technician dyan kesa pumunta pa sila sa mall na alam naman natin na pricey pricey.
Techie? Magaling sa web development o iba pang IT services pwedeng pwede gawing negosyo yaan bukod sa pag work sa corporate setup, yung iba mas gusto ang freelancing o mag offer ng professional services sa iba’t ibang client. Siguraduhin lang na mag register sa BIR bilang freelancer para walang issue.
Magaling magturo? Tutor na yan! Lalo na kung yung bahay ay malapit lang sa mga schools, pwedeng online o sa mismong bahay gawin ang tutorial center. Yun nga lang need ng space, tsaka konting pag-ayos pero goodies naman ito kung tuloy tuloy ang mga magpapa-tutor.
Maraming Skills? Pwede din Mag-Freelance Online!
Food Business

Ito hiniwalay ko na sa ibang negosyo sa itaas kasi depende ito sa location ng bahay. Iba iba kasi ang papatok depende sa lugar, di naman lahat pare-parehas ng gusto. Pero madami pa ding pwedeng i-negosyo na pagkain na pwedeng pumatok.
Depende sa Oras, meron dito samin iba-iba tinitinda depende sa oras pero sya lagi ang nagtitinda. Nagsisimula sa taho sa umaga, binatog sa hapon, tapos balut at chicharon sa gabi. Ang maganda dito kuha nya yung cravings ng tao sa lugar, tuwing umaga madaming bata gusto ng almusal, sa hapon meryenda, sa gabi naman tatambay lang sa lamay, sa tabi ng mga nagsusugal ayun kahit sino manalo laging ubos paninda nya.
Depende sa Season, ito pa isa madalas pag-summer sobrang init kaya patok na patok ang mga halo halo at shakes. Pag tag-ulan naman nandyan mga lugawan at iba pang pampainit ng sikmura. Pag ber months naman kung saan madaming pera mga tao patok naman ang mga leche flan, halaya, cakes at iba pang panghimagas. Sabayan lang talaga sa uso.
Depende sa Lugar, swerte talaga nung mga bahay na malapit sa mga busy na lugar gaya ng mga paggawaan, eskwelahan, government office. Kahit magtayo lang ng palamig na mga juice wala ng talo sa dami ba naman ng tao. Samahan na ng mga fishball at kwekkwek at kung ano mang mabilasan na pagkain na pwedeng on-the-go gaya ng burger.
Yun nga lang depende talaga ito sa location ng bahay, kung ano ba gusto ng mga tao dyan. Ingat ingat pa din kasi ito need na mag-invest talaga ng pera, may risky risk talaga ang pagnenegosyo.
Paupahan o Transient Rooms

Malapit ba sa mga tourist spots ang bahay? Malapit sa beach, airport, business districts o ano pa mang pinupuntahan ng mga tao. Yun nga lang need talagang mag-invest ng medyo malaki laking pera dito.
Maraming bahay sa Baguio ginagawa nilang mga mga transient houses, yung iba naman gumagawa ng kwarto na hiwalay sa main house nila para gawing paupahan. Ito yung mga tinatangkilik ng mga budgetarian na mga turista kasi madalas mura at sakto sa presyo. Sa Facebook at mga booking websites gaya ng Agoda pumapalo sa 700 – 2000 pesos ang per night ng isang maliit na room depende sa klase ng room at lapit sa city center o tourist spots.
Dun naman sa mga di pa masyadong developed na mga isla sa Pinas dahil sa walang hotel na matutuluyan, ito ang nagiging first choice ng mga turista. Basta malinis naman at maayos ang may-ari ng bahay sure na sure na laging may booking. Lalo na sa mga mag-babarkada na nagtitipid mas ok sa kanila na umupa ng mga kwarto sa isang bahay.
Marami pang pwedeng pagkakitaan sa bahay lang, lalo na mga specialty skills. Sample kung doctor kahit looban pa yan if may clinic dadayuhin pa din yan lalo na sa mga lugar na kulang ang doctor.
Lahat naman ito nakadepende sa goals natin at risk tolerance, kung gusto lang ng side hustle pandagdag sa mga bayarin o maging main source of income para makalaya sa tanikala ng corporate job.
Pero kahit ano pa man yan ang mahalaga kumikita…. Uyyy uyy uyy wag yung palugi… tsaka dun na din sa passion natin para atleast nag-eenjoy sa layp whehehe.