Frustrations of Filipino Middle Class

Madalas na ang away o love story ng mayaman at mahirap sa mga telenovela pero bakit walang middle class? Sabagay sa realidad lang naman nakakaiyak ang pagiging middle class. Nilista ko lang dito yung madalas na frustrations ng mga middle class at kung bakit madalas ay hindi masaya maging middle class.

Filipino Middle Class
classic pinoy middle class, iyak na lang talaga kada sahod

Wala talagang malinaw na basehan kung paano masasabing middle class ang isang tao o pamilya, pero para sa blog na to gamitin na lang natin yung income ng isang household. Dito pala sa pananaliksik ng Philippine Institute of Development Studies ko binase halos lahat ng data.

Filipino Middle Class

Hindi mahirap pero hindi din mayaman? San lulugar ang mga middle class? Ahhaha PERO tandaan hindi ito ang repleksyon ng isang tao kahit anong class ka pa. Hindi kasi ramdam sa Pilipinas ang middle class, laging mahirap at mayaman lang pili ka lang dyan. Minsan tinatawag din na “working class” o mga nagtatrabaho sa iba’t ibang industriya, madalas mga sumasakay sa MRT tapos galit na galit (gustong manakit) dahil sa dami ng kaltas sa sahod. Ito na lang ang pagbasehan natin base sa income:

FILIPINO INCOME BRACKET
sana all rich

Ikaw san ka dyan? I-comment mo na sa ibaba.

Pero parang ok din naman ang buhay ng middle class ahhh, di mahirap makakabili ng pagkain madalas may pang-upa o pambayad sa biniling bahay. Minsan ehh nakakagala pa at pag nakaluwag-luwag ehh pwede pang mag abroad. Parang di naman masamang nasa gitna lang….kung di lang din minsan nakakagigil mabuhay sa Pilipinas.

Kalbaryo ng Pinoy Middle Class

Filipino Middle vs Low Income
wag mag away

Madalas unang apektado – apektado lagi ng pagbagsak ng ekonomiya, inflation, recession, o kahit anong nakaka-apekto sa presyo ng mga produkto o serbisyo. Dahil sa maaring mawalan ng trabaho damang dama ito nung nagsimula ang pandemic sa dami ng mga nagsarang kumpanya, karamihan sa may-ari ng business nakakakain pa din ng tatlong beses sa isang araw, pero yung mga normal na empleyado?

Pag sipa ng presyo ng bilihin, dito damang dama talaga dahil di naman kalakihan ang sweldo kung baga ehh sakto lang, madalas eh namimili na lang ng pinakamura para magkasya sa budget.

Walang Ayuda – may trabaho ka naman eh, buti ka nga kumikita ka pa eh. Marami ng post sa Facebook ng mga hinaing ng maraming middle class dahil sa hindi sila nabibigyan ng ayuda dahil lang may trabaho sila. Totoo naman na dapat unahin ang mga walang wala sa buhay, agree naman don. Kaya minsan kaawa-awa na din ang mga kapatid nating middle class, hindi dahil may trabaho na eh di na kailangan ng tulong.

Isipin mo kapatid, nagtatrabaho = tulong sa ekonomiya plus nagbabayad ng tax = social service, kaso parang kahit thank you walang nakukuha.

Related Article: Wag Umasa sa Ayuda, Mag-Ipon

Effort – dito maraming naiinis sa buhay, bat parang ang unfair naman. Sample, 8-12 hours nagtatrabaho sa isang araw ang normal na empleyado (OTY) pa yan tas kikita lang ng 600-2000 per day, tapos pag mayaman ka lagay mo lang sa isang investment na may 10% return yung 1M may 100k ka na agad per year pano pa kaya yung 10M edi 1M per year. Sahod na ng dalawang taon ng isang normal na empleyado.

Di naman masama yan, ganyan naman talaga ang buhay, mas maraming opportunity mas ok. Kaya maraming middle class earners ehh di mo masisisi na magbakasyon paminsan minsan para makawala sa realidad, na kailangan magtrabaho para mabuhay.

Impact ng Deductions – bago ang lahat i feel you, samedt, izz a tie kapatid. Kahit na nagkaroon ng train law ang laki pa din ng binabayarang tax ng mga nasa middle class para sa kanila. Isama mo pa ang iba’t ibang deduction lalo na ang PhilHealth, dili na lang ako mag talk.

Sample na lang sa kumikita ng 40k per month vs 100k after tax

Base PayAfter taxMandatory DeductionsTake Home pay
40,00036,352.082,07534,277.08
100,00079,779.172,87576,904.17
dibaaa mas malaki dagok ng mandatory deductions sa middle class pababa

Sa sumusweldo ng malaki parang kagat lang ng langgam ang mga deductions pero sa mga normal na empleyado ang bigat, eps. Philhealth (parang mas ok pa kumuha HMO or insurance na private)

Related Article: Balak kumuha ng Insurance? Check mo muna ito

Hirap sa Pabahay – May work ka, may business pero walang sariling bahay? Sorry na lang po pero di kayo qualified sa libre o subsidized na pabahay, dito na lang po kayo mag-loan payable 30 years pero ang babayaran nyo ay 2-3x ng loan amount. Miyembro ka ng pag-ibig tapos pahirapan pa mag-apply, kung sa bangko naman eh pahirapan sa pag-approved.

Di baa para lang makuha yung basic na need ng tao o ng pamilya yung maayos na bahay, talagang kailangan mag doble o tripleng effort. Parang ang laging option na lang ay mag-loan na di naman masama ahhh ok na ok ang loan, ang mahirap lang eh yung proseso. Kapag ang mayaman halos auto-approve sa loan : (

Public Transportation – ohhh bakit naman nasama ito? Ito kasi ang pinaka-rant ng maraming working professionals dahil bubog bubog na nga sa trabaho, ehh pamatay pa ang pahirapang pagsakay sa mga public transportation.

Nag-OTY na tapos imbes na magpahinga na lang ehh nabi bwisit pa sa tagal ng trapik at siksikang jeep. Minsan di naman nararamdaman kasi tulog sa buong byahe dahil sa pagod, kaya saludo sa mga bumibyahe ng malayo para lang sa work.

Filipino Young Professional
di na sapat ang basta nakatapos lang

Siguro ang pinaka-frustration talaga ng mga Pinoy Middle Class eh yung PRESSURE, sa eskwelahan pa lang kailangan ganito ganyan, di mo rin naman masisisi ang mga magulang na nakaranas ng hirap sa buhay na maging strikto sa anak (wag lang yung compare compare ng anak)

Nag-aaral ka pa lang eh pumapasok na yung pressure na makapagtapos at magtrabaho agad para kumita. Tapos nag tatrabaho ka na iniisip mo na agad retirement, di ba ang hirap mabuhay.

Madalas din sa middle class yung kailangan ang kukunin mong course sa college ehh Engineering, Accountancy, I.T. kasi malaki daw ang sweldo, di na iniisip yung kaligayahan at passion sa buhay. Basta dun tayo sa malaki ang sweldo.

Ito pa isa, kapag namimili sa mga malls o supermarket laging unang chinecheck ehh yung price tag, pag di kaya balik. Kahit naglulumpasay na yung anak sorry na lang di talaga kaya : (

Takot magkasakit lalo na mga breadwinners na mga middle class hindi sa sakit kung di sa gastusin, matic yan nacocompute agad ang PhilHealth, HMO, at insurance hahahaha

The rich are those who play to win. The middle class plays not to lose.

Robert Kiyosaki
Author ng rich dad poor dad

Related Article: Bakit naghihirap ang Mayamang Pinoy?

Hindi masama ang pagiging middle class, ang mahirap lang talaga isang maling desisyon pwedeng sa kangkungan ang bagsak eh kaya andun yung pressure. Haayyy… ang sikreto lang talaga ng buhay maging kuntento at kapayapaan sa sarili eh mga 99% siguro ng problema ma-sosolve na.

Filipino Middle Class Lifting the PH Economy
saludo sa mga marangal na nagtatrabaho
Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply