Sa dami ng mga kwento sa MMK at Magpakailaman sa mga pinoy na yumaman tapos nag hirap ulit, bakit ang dami pa ding nauuwi sa pagkaubos ng pera’t ari-arian?
Madami na kasing mga success stories tayong naririnig, mga mahirap na yumaman, mga nanalo sa lotto, mga sinuwerte sa trabaho at iba pa, pero bihira o konti lang yung mga kwento ng mga naghirap nating kababayan pero truee na truee naman na nangyayari saan mang sulok ng Pinas.

Ito mamser check mo yung mga nakalista dito, gawin mo ng checklist at kung may pamilya ka o ikaw mismo ganito mag ingat ingat ka na:
Sugal

Ito yung nakakabulag ehh kasi marami kang nakikitang nananalo ewan pero parang mas kimikitid ang pagiisip ng iilan at nakapokus lang sa saya ng pagkapanalo kaya yung risk na matalo medyo di na naiisip. Kaya karamihan ang sweldo, savings, sasakyan, bahay pati mga appliances sa bahay naibebenta para lang may pangsugal. Minsan kasi papatikimin ka lang ng sarap ng pagkapanalo ohh eto kwento ng mayamang OFW nanalo sa casino ng 20M naadik naibenta mga ari-arian tas hiniwalayan pa ng asawa : ( Sa totoo lang dahil mas open ang tao na i-share yung mga panalo kesa sa talo kaya di masyadong nakikitang napakalaking risk ng sugal lalo na kapag naadik.
Nagbagong Lifestyle

Nako dito tiyak na madaming magtataas ng kilay ahhahaa, wala naman kasing masamang mag-experience ng mga sosyal na bagay pero wag lang maging social climber jk lang. Ok seryoso, madalas kapag yumayaman nagbabago minsan ang lifestyle dahil maaring may mga bagay na gustong magawa sa buhay, gusto ng bagong bahay, sasakyan, makapag-aral sa kilalang unibersidad at iba pa ok lang naman ito pero live within you means wag magpatayo ng bahay o bumili ng sasakyan kung di kaya i-maintain. Dun lang tayo sa sapat lang, laging i-check yung cashflow yung pumapasok ba na pera kayang i-sustain yung lifestyle mo ngayon, kapag hindi magbawas ng wants basta yung di naman kailangan.
Walang Emergency Fund, Savings, Insurance

Ito yung mahirap sa lahat maraming pinoy na di naniniwala sa ganitong mga financial strategy o advise ewan kala mo nanakawan ng pera jk last na hahaha… Pero totoo naman eto ang laging maririning mo “Aanhin mo ang perang di mo ginagastos”, kaya ang hirap i-push ng financial literacy sa lahat tas gagamitin pa yung “Pera ko naman ito at gagastusin ko kung san ko gusto”-card. Ehh ano naman kung walang ganito? Isa lang kasi ang sure na sure na mangyayari sa buhay ng tao, lahat tayo mamamatay, walang kasing trueee yan.
Ang tanong nalang ngayon kailan at paano? Daming nalulubog sa utang tapos benta ng lupa, mga alahas at pati sasakyan para lang may pampagamot. Kaya kung bago ka palang yayaman at pera na lang ang kulang patatagin mo muna ang pundasyon ng yaman mo gamit ang EF at Insurance dahil ito ang magiging protektor ng ibang yaman mo.
Maling Investment o Scam Victims

Dito nakakaawa yung mga nabibiktima o mga nalulugi ang negosyo dahil naloko o di nag research sa investment. Sali ka lang sa mga OFW na groups napakaraming ganitong kwento, mga 5-10 taon sa ibang bansa nakaipon ng malaking halaga tapos pagbalik sa pinas magnenegosyo na lang daw dahil nakumbinsi ng iilang tao. Ito talaga dahilan bat dapat isulong ang financial literacy at gawing mandated sa elementary gang college ehh bakit? Dahil napakadaming tao ang hindi nagiging mapanuri sa mga pinapasok na investment. Painan mo lang ng kaunting returns, mag all-in agad eh.
Karamihan kasi sa pinoy na di masyadong maalam sa negosyo at investment ehh puso at pakiramdam ang ginagamit sa paglalabas ng pera kaya nasasamantala. Sample na lang may OFW nakapagpundar ng lupa pang saka tas mga kalabaw goods na sana na retirement business, sarap non may sarili kang bukid, pero nabulag sa investment na wala kang gagawin yung 50k mo magiging 150k in 3 weeks arrghhhhhh nakakainis talaga mga scammer ayun nag all in GG tas nawala na lang parang bula yung scammer.
Yabang

Hiniwalay ko pa ito sa lifestyle change pero dami kasing ganitong kwento hahaha napakaluwag ng bulsa. Mas inuuna pa ibang tao o makapagpaikat lang kahit maubos ang pera gagawin. uyyyy may naaalala syaaaaa, drop mo na sa comments sa ibaba ahahahha. Sample na lang mga taong di pwedeng malamangan, pag nakita may bagong kotse ang kapitbahay kahit bago pa din naman yung sasakyan ehhh bibili ng bago feeling attacked agad walang namang nangaano hahaha.
Hayyy, para lang makapagpasikat gang sa umabot na sa pag lalabas ng pera ng sobra sa kinikita at ayan na ang mitsa ng pagkalugi o hirap. Tandaan lang dapat mas malaki ang pumapasok kesa sa lumalabas na pera.
Walang Retirement Fund

Bukod sa walang makakapigil sa pagkamatay ng tao, di rin mapipigilan ang pagtanda. Napakahirap ng kumita lalo na pag matanda na dahil halos wala halos pwedeng pagkakitaan malas pa pag may sakit. Ganito madalas ang nangyayari sa mga malalakas kumita habang bata pa, hindi naiisip ang hinaharap kaya di na naginvest o nagipon para sa pagtanda. Ok ok ok… para saan pa yung SSS at Philhealth? Tama naman na may mga mandated ang gobyerno pero ang tanong sapat ba ito? Kaya marami sa ating mga kababayan ngayon kumukuha na ng insurance at nagiinvest sa mga extra income gaya ng pagpapaupa o pati lending para pag tanda kahit wala ng work ay may pumapasok pa rin na pera.
Tamad

Di na ata ito dapat pang i-explain ahahah pero sa context ng mayaman maghihirap ba pag tamad? Oo naman, may mga taong lumaki sa yaman yung tipong showered with everything ayun lumaki sa layaw. Sample sa trabaho, di nag iinvest para sa sarili paano ka mag-improve kung mananatili ka or worse ehh kinakatamaran pa yung trabaho. Eto pa yung mayaman na pamilya, may mga spoiled brat na akala mo ehh tinat*e yung pera, ahhahaha bad jk… yung hindi alam gaano kahirap kumita ng pera kaya may pagkakataon pag nawala yung nagpoprovide ehh GG na sirs.
Yung inspiration pala sa post na to dalawang movies hahaha, hinanap ko lang yung movie na inspiration ni Bon Clay sa One Piece si Lloyd Christmas (Jim Carey) sa Dumb and Dumber tapos isa pang movie na Trading Places parehas comedy yung pelikula pero goodies parehas ahhaha. Tapos naisip ko lang parang may ganito ding mga pinoy, di naman exaggerated pero tunay na nangyayari kaya nag-focus na lang ako dun sa naghihirap kasi ang dami ng kwento ng mga yumayaman eh ahahha.
