Baka hindi para sayo ang VUL Insurance

Naghahanap ka ba ng insurance? At isa ito sa mga na-offer sayo ng insurance agent/financial advisor na nakausap mo. Lika likaaa daliii … check natin kung para sayo ba talaga ang VUL o Variable Universal Life. Ok ok wait lang bago magtaas ng kilay yung mga financial advisors, gusto ko lamang ipakita dito na hindi para sa lahat ng tao ang VUL.

Insurance o Investment Decision
Nahihirapan ka ba mamili kung ano ang uunahin?

Ano ba ang Variable Universal Life o VUL?

Sa madaling salita pinagsama yung insurance at investment sa iisang product o policy. Maaring may makita ka na Variable Unit-Linked Insurance, ito din ang isang tawag sa Variable Universal Life. Nagbibigay ito ng proteksyon galing sa insurance component at flexible fund naman dun sa investment component (ibig sabihin ng flexible ehh pwede mo gastusin kung san mo gusto) kaya madalas ang tawag din dito ay insuravest. Sa regular VUL magbabayad ka ng fixed amount of time 5, 10, 15, 20 years o pwede ding one time bigtime sa ibang VUL products, tapos sa binabayad mo ikakaltas yung bayad sa insurance at yung iba naman ilalagay sa mga investment funds

Insurance

Kailangan ding bigyang pansin na ito ay insurance product na may investment, kaya naman yung binabayad mo ay may parte na napupunta sa cost ng insurance at ang iba naman ay sa fund ng investment, in short hindi lahat ng binabayad mo mapupunta sa investment which ok lang naman dahil paano kung may masamang nangyari (deds, aksidente, malubhang sakit) yung insurance ang sasalo pero depende pa din sa coverage ng policy.

Investment

Dito naman yung pera na binabayad mo mapupunta sa isa o mga fund depende sa mapipili mo, sa parang mutual fund o UITF. Yung pera mo nilalagay sa isang pool na mina-manage ng fund managers para lumago kaya may potential itong tumaas gayun din naman na bumagsak dahil investment ito, yes kapatid may risks ito.

Bakit hindi para sa iyo ang VUL?

Ito na agad hahaha lista na natin bakit di para sa iyo ang VUL, note lang sa mga financial warriors advisors di po ako nakikipag-away gusto ko lang magbigay ng kaunting kalinawagan sa mga pinoy love love lang tayong lahat <3

Di sa lahat ng tao bagay ang VUL
  • Di mo kailangan yung investment component – Kung ikaw ay marunong mag-invest sa stocks, mutual funds, UITF, o maging sa negosyo maaring hindi para sa iyo ang VUL dahil ang pinakamalaking bentahe ng VUL ay yung investment component na wala sa mga traditional insurance. Ehh may insurance pa din naman di ba? Oo pero mas sulit kung kukuha na lang ng term o whole life dahil sa mas mababang premium o babayaran sa parehong benepisyo. Mas malaki ang premium ng VUL kaysa sa ibang insurance dahil maraming fees.
  • Wala yung kailangan mong feature o coverage – Ito ang dapat inuuna bago pa bumili ng kahit na anong insurance: ano ba need ko? Yaannnn sagutin mo muna sa sarili mo kapatid. Hindi kasi lahat nasa VUL, sample mas gusto mo maraming cover na sakit kahit minor illness? May plano ba ikaw na mag asawa’t anak? Breadwinner ka ba at need mo ng sure na sure protection para sa assets at income? Lahat naman yan tinatanong sa umpisa, pero ang tanong VUL ba ang sagot sa lahat ng yan? Hindi, kasi wala namang one product fits all na insurance. Kaya kung merong insurance product na pasok sa needs mo mas better yon (huwag magpasilaw sa projections).
  • Kulang sa budget – “Huwag pilitin kung hindi kasya…ang budget” tandaan na ang insurance pati na rin ang investment ay mas less priority kesa sa physiological needs (pagkain, bahay, damit) at savings lalo na ang emergency fund (hindi emergency fund ang VUL). Meron namang mababa lang yung premium di ba? Pero pasok ba yon sa needs mo, dahil pag mas mababa ang premium sa VUL mas mababa din ang benepisyo o meron pang ibang insurance at investment na pasok sa budget na maaring magkahiwalay gawin.
  • Di na pwede – kahit na VUL ang laging nakikita o ino-offer ng mga insurance companies, mahigpit din ang pag-approve ng VUL. Sample may sakit ka na o yung trabaho mo ehh high risk maaring ma-deny ang VUL application mo. Kung mangyayari iyon meron pa namang mga insurance products na pwedeng applyan.

Mga bagay na dapat mong malaman sa VUL

Ito yung mga dapat mong itanong sa mga insurance agent o financial advisors na makakausap mo dahil iba iba pa din ang policies ng VUL lalo na sa iba’t ibang kumpanya. Walang masamang magtanong sa mga financial advisors lalo na ang insurance ay maituturing na pang-safety o protection lalo na sa mga di inaasahang pangyayari sa buhay. Tandaan mo kapatid wag kang titigil hanggang di mo gets, lalo na pag binigyan ka ng technical na sagot, dahil parte ito ng buhay mo for better or worse (parang kasal lang).

Walang masamang magtanong lalo na parte ng buhay ang insurance
  1. Saan napupunta ang premium? – Malinaw dapat ito, iba iba kasi kada policy, sample may VUL na sa first 2 years walang investment puro sa insurance lang mapupunta o may iba na dahan dahan yung napupunta sa investment 50% 1st year, 70% sa 2nd year, 90% sa 3rd year hanggang pumalo ng 95% yung napupunta sa investment. Para alam mo kung kelan lalago ang investment.
  2. Ano ano ang mga Fees? – Gulat kaa noooo kala mo insurance at investment lang syempre meron ding fees dapat i-discuss din sayo ito dahil karapatan mong malaman kung saan napupunta ang pera. Nagkakaroon ng fees dahil sa investment part, binabayaran kasi yung management fees, VAT, Documentary Stamp, minsan kahit gusto mo dagdagan fund mo may fees pa din eh at hanggang effective ang policy mo kumakain ng fees ang VUL.
  3. Paano pagnalugi o nag negative ang returns? – Bakit kailangan na  itanong ito? Dahil posibleng mangyari ito kagaya ng projections na pinapakita. Required kasi ng Insurance Commision na magpakita ng 3 projections (4%, 7% 10% returns) sa mga proposal pero maari din namang malugi o mag negative ang returns ng investment. Tandaan na kahit lumago o malugi ang fund tuloy tuloy pa rin ang pagsingil ng fees at insurance ahh. So, follow up question dito: Ano mangyayari sa insurance kapag nawala na ang pera sa investment dahil sa negative fund performance?
  4. Ano ba ang mga funds? –  Ito yung pinapakita na may mga historical returns mga Index, Equity, Bonds, Money Market o iba pang investment funds. Bakit ba mahalaga ito? Kasi hindi ka dapat nag iinvest basta basta at maniwala agad sa mga charts. Hindi lahat ng funds pare-parehas may low risk, medium risk, high risk dyan kaya need mo muna alamin ang investment appetite at huwag gamitin ang emosyon at bulong sa pamimili ng investment fund. Iba iba kasi ito per insurance company, madalas iba pangalan, kaya dapat itanong at busisiin ang performance (pero di dapat gawing assurance ahhh)
  5. Pag ba natapos ng bayaran ang premium tapos na? – Surprise! Need ko lang ulitin na binabayaran mo pa din ang fees at yung insurance from your investment fund. Need din check with your financial advisor kung yung insurance ba ay leveling o nagbabago ang value habang tumatanda o hindi.
  6. After mag-mature at kinuha ko na yung pera, ano mangyayari? – Baka kasi sabihin na retirement fund, milestone fund (pambili bahay o sasakyan), o health fund. Hmmmm totoo naman ito lalo na pag matanda na, pero anong mangyayari sa insurance? Mawawala na kapatid : ( pero makukuha mo naman yung fund value. Sulit ba para ma enjoy sa pagtanda? Kaya mabuti na tanungin ang financial advisor kung ano yung mga pwedeng way para ma-withdraw yung fund kahit partial para buhay pa din ang insurance.

Ilan lang yan sa mga tanong na dapat ay sagutin ng mabuti ng insurance agent o advisor na makakausap mo. Red flag na agad kapag hindi malinaw ang mga sagot at laging nag-focus sa good side ng VUL. Higit sa benepisyo ng kahit anong bagay dapat ding maunawaan ang kaakibat na risks o panganib na mawalan ng pera.

VUL Alternatives

Ok ok kung hindi mo gusto o hindi na pwede sayo ang VUL ano naman ang mga pwedeng alternatives?

Mas ok sa ibang bagay na maghanap ng best

BTID – Buy Term, Invest the Difference

Ito ang insuravest strategy na ikaw mismo ang may kalayaang mamili, dahil una makakapili ka kung anong importante sa iyo pwede kang pumili ng term insurance na pinakamura sa lahat kung gusto mo na mababa muna kasi 20 years old ka pa lang wala pang anak at asawa, after 5 years palitan at kumuha ng mas madaming benefits kasi nalaman mong may lahi pala kayong sakitin sa puso o diabetic. Sa VUL kasi naka-set na madalas at yung additional riders o benefits kasing halaga na ng term. Di baaa sa insurance pa lang yan, pano naman sa investment? Kung magkano ang natitira sample 2,000 ang quote sayo sa VUL monthly tapos sa Term naman 1,000 lang yung 1,000 ay pwede mong invest. Saan naman? Pwedeng sa mutual funds, stocks, o negosyo basta kaya ng risk appetite.

YearVULInvestment Fund @ 7%Term InsuranceInvestment (MP2 @ 6%)
124000012,00012720
224000012,00026203.2
32400012,840 (50%)12,00040,495.39
42400031,714.8 (70%)12,00055,645.11
52400058,330.84 (95%)12,00071,703.82
Fund After 5 yearsVUL 58,330.84 BTID 71,703.82
Sample comparison of VUL and BTID, based on historical data only.

Sample lamang ito ahhh dahil nagbabago bago ang mga interest o dividend rate ng mga investments per year gumawa lang ako ng projection (generous ko sa investment fund) para ipakita ang pagkakaiba ng BTID vs VUL. Syempre ang VUL hanggang pagtanda, pwede ka din naman kumuha ng mga whole life o mga health insurances na covered hanggang 100 years old, tapos invest the difference lang din. Ang term kasi madalas hanggang 65 lang at kung maayos naman ang pag manage mo ng pera pag dating ng 66 years old pwedeng stable ka na at pati mga dependents (mga anak nakapagtapos at may work na).

Whole Life Insurance

Conservative na VUL, pwede itong gawing alternative kasi permanent life insurance ito meaning hanggang buhay yung policy holder go lang ng go tapos madalas may fixed na cash dividend after ilang years. Ang VUL kasi high risk, high reward ito naman kabaliktaran swabe lang walang huge upside potential o malakasang pagtaas ng fund value. Ang Whole Life Insurance meron lang cash value o perang makukuha na sigurado madalas fixed na sa simula ng policy. Advantage nito ay sure ka na sa cash value hindi kagaya sa VUL na mataas ang risk at may chance na bumaba ang value.

Kumuha na ng Insurance!

Kahit ano pang insurance yan basta pasok na pasok sa needs mo goodies yan, parang damit lang yan na kasya sa lahat pero ang tanong bagay ba? Ang pagkuha ng insurance ay para sa protection para di magalaw yung ipon o income, iba pa ito sa emergency fund ahh. Wag mo isipin na investment ito o savings dahil sabi nga sa meaning ng insurance  sa oxford dictionary “a thing providing protection against a possible eventuality.”

finance wealth pyramid
Sample lang ng financial growth pyramid, may mas comprehensive pa dito

Isipin mo na lang yung financial pyramid (payaman pyramid) sa taas, yung pinaka-foundation ehh savings, emergency fund, at income itong mga to kasi ang importante sa simula at pagkatapos INSURANCE na dahil ito ang magiging safeguard ng mga riskier investments. Sample na lang naaksidente ka at naputulan ng binti (katok sa kahoy 3x), magbabayad sa ospital, may posibilidad na mawalan ng kita sa trabaho, o mahirapan makakuha ng trabaho. Pag walang insurance madalas unang mangyayari huhugutin ang investments hanggang maubos ang savings, PERO pag may insurance pinapatibay nito ang pundasyon at di basta basta babagsak ang investment at mauubos ang savings dahil kaya nitong punan kung ano mang kailangang pagkagastusan.

Ikaw anong insurance ang kinuha o balak mong kunin? I-comment mo na yan sa ibaba <3

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply