50-30-20 Savings Strategy

Savings o pag-iipon ehh parang naglalaro ka lang din ng video games kung saan ang goal eh makapag-ipon ng maraming pera na sasapat sa needs at wants sa buhay. Kaya kung gusto na mas maging epektibo ang pag-iipon eh may mga strategy na pwedeng gawin para naman makamtan ang pangarap na ipon.

50-30-20 Savings Strategy
ikaw anong strategy mo?

50-30-20 Savings Strategy

Tinatawag din ng iba na 50/30/20 budgeting rule kung saan hinihiwalay agad ang income sa tatlong parte: 50% needs, 30% wants, 20% savings. Marami ang gumagawa sa ganitong rule dahil madali itong magawa kahit maliit man ang iyong kita o income.

50-30-20 Savings Strategy Chart
visualize kapatid… visualize

Simple di ba? Walang ibang rules rules kung di hatiin lang ang income sa tatlo pero napakalaki ng impact nito sa buong finances hanggang pagtanda o retirement.

Una, alam mo na agad ang ceiling o kung hanggang saan lang ang gastos sa wants o luho kung baga eh kontrolado ang paglabas ng pera. Pangalawa, matic na savings di na agad nagagalaw madalas kasi ang nangyayari eh gatos muna bago ipon. At pangatlo, balance lang, nakukuha ang needs (bahay, pagkain, health) at wants ng hindi mahigpit dahil may inilaan na na budget.

Sige mamser isa isahin natin yang 50-30-20 na yan.

50% Needs

50% Needs Pyramid
pundasyon muna lagi

Lagi naman kada sweldo ito ang inuuna ng mga magigiting na tagapag-bayad. Bayad sa kuryente, tubig, internet, upa, at pati groceries. Ito yung walang katapusan hanggang nabubuhay eh. Pero wala tayong magagawa ito yung necessities eh o yung need ng tao para mabuhay.

Kaya 50% ang pinakamalaking parte ng income ay napupunta dito, kasi kailangan talaga. Pano kung dito pa lang ubos na? GG na tayo dyan kapatid, kaya kung maiksi ang kumot matutong mamaluktot.

Kung kulang pa din talaga baka naman sobra sa needs? Over budget na bahay, malakas na konsumo sa kuryente at tubig, o di kaya eh ayaw ng alternatives. Sample kung pwede naman generic na gamot kesa sa branded.

30% Wants

30% Wants
wag masyadong maluho… pero kung kaya why not

“Money can’t buy happiness”? Sorry di ako naniniwala dito : (
Di naman talaga nakapagbibigay ng kasiyahan ang pera (papel lang naman) pero kaya nitong pagandahin ang ating pamumuhay, kaya mas masayang mabuhay.

Bakit 30% lang kung mapapasaya at gaganda ang pamumuhay? Kasi di ka naman mamatay kung mawala ito hahaha jk lang pero ito yung mga luho o desires na pwede namang wala pero mas masarap mabuhay pag meron.

Ito sample, ok naman yung spotify na regular na may mga ads pero mas ok na ok yung wala para tuloy tuloy ang pakikinig. Makakarating din naman tayo sa paroroonan kapag sumakay ng jeep, pero mas masarap pag sa sariling sasakyan.

Related Article: Wag puro luho, Nanalo nga sa Lotto naubos eh

Sa lahat para sa akin ito ang pinakamaganda sa wants: HOBBY o PASSION di naman ito essential gaya ng lugaw na hinarang pero naibibigay nito yung satisfaction at happiness sa buhay.

Kaya wag masyadong kuripot at gumastos din kahit konti para sa sarili, pero hinay hinay lang kapatid dahil pag kulang na kulang, bago bawasan ang needs ito muna ang pwedeng alisin. Sad but truee.

20% Savings

20% Savings
ahihihihi ima-imagne munaa

Syempre naman need din mag-ipon, pasasalamatan ka ng future na ikaw pag ginawa mo to ngayon. 20% ng income ang inilalaan dito dahil mas mahalaga pa din ang needs kesa sa savings, sa wants naman para sa akin ay pantay lang.

Pano pag madami akong utang san naman yun? Pwede mong gamitin ang 20% para sa savings para pambayad sa utang. Mas ok na maging debt-free, para walang multo hahaha, bayad muna credit card bago mag swipe.

Kung nagsisimula pa lang eh i-build muna ang emergency fund, ito yung 3-12 months na living expenses mo o kasama ang pamilya kung breadwinner.

May emergency fund na? Pwede naman itong ilagay sa ibang milestone fund gaya ng Pambili ng Bahay Fund, Pambili Sasakyan Fund, Travel Fund, o maging Retirement Fund.

Kulang ang Sahod

Ehh di naman gagana ito para sa mga maliliit lang ang sahod. Paano ako makakapag-ipon ng 20% kung sa needs palang 100% na ng sahod. Madalas pa nga eh nangungutang para lang may maipangtawid sa araw-araw.

Budget Deficiency
hinay hinay lang ang paggasta

Ganito yan kapatid kaya pa rin ng 50-30-20 yan pero may steps lang na need gawin.

  • Pataasin ang Income – kung kulang talaga ang sahod magdagdag ng income streams gaya ng part-time job o negosyo.
  • Magtipid – bawasan ng kaunti ang gastos hanggang sa puntong hindi na nangungutang.
  • Kahit 1% – kahit si Taguro dahan dahan maglabas ng lakas. Kung di kaya ng 20% sa savings pwedeng 1% ngayon sa susunod na buwan 2%… hanggang ma-hit ang 20% na target, kayang kaya yan kapatid.

Related Article: Sideline ba hanap mo para dagdag kita?


Ang pag-iipon eh pag-uugali ng tao, kung ang tingin ng pera para sa iba eh pang waldas may mga tao na ang tingin sa pera eh pang-buhay. Kaya iba iba ang strategy ng mga tao para mabuhay ng masaya at hindi nangangamba.

Yan ang maganda sa 50-30-20 rule ehh sobrang simple, kontrolado, at natututo ng disiplina.

Mahilig ka bang magbasa ng libro? Check mo na itong libro All Your Worth: The Ultimate Lifetime Money Plan by Elizabeth Warren. Dito sumikat ang 50 30 20 rule, dahil sa karamihan eh hirap sa pag bayad ng bills, hirap makuha ang gusto, at hirap sa pag-iipon.

Yun na yung message ng 50-30-20 nakukuha mo yung needs, nagagawa yung wants, at nakakapagipon para sa hinarap <3

Share your this post to your family and friends!

Leave a Reply